Forty : Almost caught MARA JESSICA Pumunta ako ngayon sa locker room upang kunin yung English book ko na iniwan ko sa loob ng locker ko. Binuksan ko na ang locker ko at nagulat ako ng tumambad sakin ang limang papel. Dear Mara, It's been a while. Sorry hindi na ko nakapaglagay ng letter mo sa locker mo ha? Im busy. I miss you! -Avo Dear Mara, Di mo na nabubuksan locker mo ah? Once a week lang naman ako naglalagay ng letter tapos di mo naman chinecheck iyaq na cii Ackou pwe jeje hahaha! Maraaa~ gusto talaga kita sobra! Torpe ako eh pero hayaan mo next time magpapakilala na ko sayo. -Avo Dear Mara, Makita lang kita masaya na ko. Ang bakla lang pakinggan pero kinikilig ako pag nakita kitang ngumiti. Ingat palagi ah? Papakasalan pa kita. -Avo Dear Mara, Di mo parin inoopen locker

