Chapter 16

861 Words
Sixteen : What's with the smile? MARA JESSICA Nasa sala kami ngayon nanonood ng kung ano ano. Ang boring ngayon! Tss. Napatingin naman ako kay Cass. Nakangiti naman siya habang nakatingin sa kanyang cellphone. "Jess, bago tayo umalis sa US nagka ganyan na yan ah?" Sabi ni Jana. Napatango naman ako. "Cass." I called her pero di siya lumingon. "Luh. Baka boyfriend niya." Sabi ni Kielyn. Nag kibit balikat naman ako. Eh sa di ko alam eh. "Cassandra~ Yuhoo." Jana called her in a sing-song matter pero wala parin! "Cass?" Tawag ni Kie. "Ba't niyo ba siya tinatawag? May kelangan ba kayo sakanya?" Sabi bigla ni Ren na bigla nalang sumulpot sa tabi ko. Nakakgulat naman tong si Ren. Parang kabute. "Wala. Pero kasi tingnan mo oh. Ayan na naman isya." Sabi ni Jana. Napatingin naman si Ren kay Cass ng nginuso ni Jana si Cass. Napatango naman si Ren. "Oo nga. Sino kaya ang ka text niya?" Tanong ni Ren habang nakatingin parin kay Cass. CASSANDRA MAE From : Meep Hi Cass! Kamusta ka na? Miss na kita. Napangiti naman ako ng mabasa ko ang text niya. To : Meep Ayus lang naman, Meep. Grabe ka! Wala pa tayong isang araw nagka hiwalay miss mo na agad ako! From : Meep Eh sa namiss kita agad eh *pouts* Lumawak pa lalo ang ngiti ko. To : Meep Sus! Wag mong sabihin na nahulog ka na? Ang tagal niyang mag reply! Psh. Wondering why Meep ang tawag ko sakanya? Before kasi kaming umalis sa US, pumunta ako sa bar. Tapos may nakita akong isang lalaki na umiinom ng mag isa sa bar counter. Parang ang lungkot lungkot niya kaya nilapitan ko siya. Tinanong ko siya kung okay lang siya pero tiningnan niya lang ako at ngumisi. "Meep." Sagot niya. Muntik na nga akong matawa, kaso pinigilan ko lang baka maano niya ako eh. Kasi naman seryoso yung mukha niya at ang lungkot lungkot pa tapos Meep ang sagot niya? "Mister. I'm asking you if you're okay." I said. Uminom muna siya at tiningnan niya ko. "Pakeehh mu ba?" Lasing na sabi niya. Nagulat naman ako kasi nagsalita siya ng Tagalog. Akala ko kasi US citizen siya eh. "Nagtatanong lang eh." Naka pout kong sabi. Tumawa naman siya. "Hahaha. Buti ka pa tinatanong kung okeh lang ba ako o hindyi. Eh ang mga magulang ko? Wala! Hahahaha. Nakakatawa nga eh. Kung shino pa eng hindi nakakakilala shakin eh shila paaaa ang nagtatanong kung ayosh lang ba akow." Sabi niya at uminom. Humugot pa ang lolo. Inagaw ko sakanya ang baso niya at ako yung uminom. "Hoys! Bat ikaw uminom?! Dapat ako kashi, ako bumili!" Inis na sigaw niya sakin habang tinitingnan ako ng masama ng mapupungay niyang mga mata. "Ang dami mo nang nainom. Lasing ka na." Sabi ko. Ngumisi siya at tinuro ako. "Di pa ko lasheeng! Sadyang umiikot lang ang Mundo kaya umiikot ang paningin ko!" Gagong sabi niya. Napa poker face naman ako. Grabe tong lalaki na to ah. Pati Mundo sinisi. "Ewan ko sayo. By the way, what's your name?" I asked. Bigla naman siyang yumuko at pinatong ang kanyang ulo sa mesa. "Meep." Napatawa naman ako. Meep is his name? "Seriously? Your name is Meep? Pfft." Ang bakla kasi eh! Ang gwapo niya tapos Meep name niya? "Ahh.. Name ko? Shii anoo.. Shi Brush." Sagot niya. Napatingin naman ako sakanya. "Bruce, ano?" I asked. "Brush Wayne." Sagot niya at tumawa. Napa poker face naman ako. Leshe. Takas mental ata ang kausap ko. "San ka nakatira ng maihatid na kita." Tanong ko at itinayo siya. "Sha Meep shity, Meep st., Meep house. Hahahaha." Gagong sagot niya. Napakatino niyang kausapin. Really. "Dahil di ko alam name mo, Meep nalang ang itatawag ko sayo." I said at inakay siya palabas ng bar. "Stop!" Sigaw niya at huminto kami sa paglalakad. "That's my car. Here's my key." Sabi niya at tinuro ang red na sasakyan sabay abot ng susi sakin. Pumunta naman kami sa kotse niya at pinasok na siya sa shotgun seat. I asked him kung saan ang bahay niya kaso di niya ko sinagot. Nakatulog pala. Pinitik ko yung ilong niya at napa 'aww' naman siya. "Aww! Ba't mo ko pinitik sa ilong? Ayaw kong magpa plastic surgery noh!" Sigaw niya. Anong konek? "San ka nakatira?" Tanong ko. Tiningnan niya ko habang naka pikit ang kanyang mga mata at ngumiti. "Stellar Condominium. 6th floor." Sagot niya at nakatulog ulit. Napailing nalang ako at nag drive na. Bahala na muna ang kotse ko sa bar. Kukunin ko nalang yun mamaya o bukas. Pagkarating namin sa tapat ng room ya ay ginising ko siya. Leshe! Ang bigat niya! Wew! "Password mo?" Eh sa may password eh! "Meep." Andyan naman tayo sa Meep-Meep nayan! Di ba siya nagsasawa? "Ano nga?" Inis na tanong ko. "Meep nga!" Pagalit niyang sagot. I rolled my eyes. Numbers kaya ang password! Tsk! I tried 1234 pero mali. Napaisip naman ako. Ahh! 6337 Bingo! Binuksan ko na ang pinto at pumasok na kami. Ang ganda naman ng Condo niya. Teka, san ang kwarto niya dito? Napatingin naman ako sa isang pinto na kulay black at red na nasa right side. Baka kwarto niya yun. Pumunta ako dun at binuksan ang pinto. Tama nga ako. Kwarto niya to. Hiniga ko siya sa kanyang higaan. Grabe! Nangangalay balikat at ang braso ko! "Hays. Ang bigat ng lalaking to!" Sabi ko sa sarili ko. Tatayo na sana ako ng hinila niya ko. Muntik na kong mapasigaw! Akala ko ba tulog to? "Stay here." Utos niya. Napa lunok ako. Ang sexy ng boses! "What's with the smile, Cass?" Nabalik lang ako sa katinuan ng tanungin ako ni Jessica. Nasa harap ko napala ang lahat ng girls at naka abang sa sagot ko. Tumikhim ako at pinigilan ko ang sarili ko sa pagngiti. "Wala naman." Sagot ko. Tiningnan naman ako ng mga girls na parang di naniniwala. Bigla namang may nagtext sakin. From : Meep Oo! Nahulog na ko!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD