Fifteen: 5Queens
JAMES MARK
"Mark, Check this out."
Napatingin naman ako kay Ashton na ngayo'y nakaharap sa kanyang Laptop.
"Ano naman yan?" Tanong ko at lumapit sakanya.
Nasa bahay naming kami ngayon.
Tiningnan niya pala ang website ng mga official gangsters.
Latest News
5Queens are in the Philippines, What are they doing there?
Nabigla naman ako.
"What the heck?!" I blurted.
"Bakit, Mark?" Tanong ni Anthony sakin.
Pinause ni Anthony ang game nila ni Christian at pumunta sa amin.
"ANO?!" Sigaw ni Christian at Anthony.
"Oh, ba't kayo sumisigaw?" Tanong ng bagong pasok sa Bahay namin. Nasa sala kami ngayon.
"Just look at this." Sagot ni Anthony sakanya.
"What the?!"
Wag niyo kaming sabihan na OA. Sino bang hindi mabibigla kung ang pinaka malakas na gang sa buong Asia ay nandito sa Pinas?!
"What are they doing here?"
Tiningnan naming si Xander na siyang bumasag sa katahimikan.
Nagkatinginan kami. Kahit kami yan din ang tanong na naglalaro sa isip namin.
Ilang minute na ang nakalipas pero tahimik parin kami. Lahat kami ay malalim ang iniisip.
I stood up and went in our kitchen.
Binuksan ko ang ref naming at kumuha ng soda in can at bumalik sa sala.
"Parang gusto ko silang Makita." Biglang sabi ni Christian.
Napatango naman kami.
"Kung gusto mo sila Makita in person, dapat ayaain mo sila sa isang battle at ayaw ko silang makalaban, Never." Sabi ni Anthony kay Christian.
"Ako din naman eh." Sabi ni Christian.
"Ba't niyo ba iniisip ang 5Queens? Ang mabuti pa, mag relax tayo." Sabi ni Ashton.
Napatango naman kami.
Tumayo naman si Ashton kaya napatingin kami sakanya.
"San ka pupunta?" Tanong ko sakanya.
"San pa ba? Edi sa-" Di na niya natapos ang kanyang sasabihin ng sumingit si Anthony.
"Sa Bar?"
Tiningnan naman siya ng masama ni Ashton.
"Lul, hindi. Sa bahay ng mga girls." Sabi ni Ashton.
Napatango naman kami.
"Anong gagawin mo dun?" Sabay na tanong namin.
"Manliligaw." Sagot niya.
Tumango ulit kami.
"Kay sino?" Sabay na tanong namin.
"Kay Kielyn." Sagot niya.
Bigla naman may lumipad na throw pillow straight to his face.
"Aray! Leshe, sakit nun ah!" Inis na sabi niya.
"Wag siya, iba nalang!" Sabi ni Xander sakanya na siya palang humagis ng throw pillow.
"Oh edi si Cassandra nalang. Crush mo lang si Kielyn eh." Pang aasar ni Ashton sakanya.
"Edi wow! Ba't hindi si-siya ligawan mo ha?" Ngising tanong ni Xander na halatang nang aasar.
"Di pa ngayon! Tska wag mong mabanggit banggit pangalan niya. Mabugbug pa ko ng ano niya." Sabi ni Ashton.
Sino ba ang pinaguusapan nila? OP kami dito ah.
"Sino ang liligawan mo, Ash?" Tanong ni Anthony.
"Secret!" Sagot ni Ashton at bumelat.
Loko to ah.
"Ano, sasama ba kayo o mabulok kayo dito?"
"Sige na nga! Sasama na kami sayo!" Sagot ko kay Ashton.
Tumayo na kami at lumabas na sa Bahay.