Fifty-five: The three gangs JAMES MARK Napatingin naman ako sa aming mga kalaban na nakahandusay na sa sahig at wala nang malay. Hinihingal akong napa luhod bigla sa sahig at napahawak sa sahig upang hindi tuluyang matumba. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod pagkatapos naming mapatumba ang lahat ng miyembro ng Goldenchime. Hindi ko akalain na sobrang dami pala nila kumpara saamin. Ang lakas nilang sabihan kami na papatumbahin nila kami pero tingnan mo sila pa ang aming napatumba. "Lead, okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Trey saakin at inalayan ako patayo. Hinayaan ko na lamang siyang akayin ako. Bigla namang pumunta saakin si Karlos at inalayan din ako sa paglalakad. Ano bang pumasok sa aking isipan at inubos ko ang akong lakas sa mga weakling na ito. "May makakalaban pa tayo

