Fifty-six: Lies, truth, envy JAMES MARK I tried to dodge their attacks while moving towards Demon. Wala akong pake sa mga alipores niya at ayaw kong sayangin ang lakas ko sakanila. Gusto ko lang ay ang mahablot si Demon at patayin ito. He was only there standing not far away from us while looking at us fighting. Lalo naman nag init ang ulo ko sakaniya at sinapak ang lalaking nasa harap ko. Inaakala ba niya na kaya na ng mga alipores niya na patumbahin kami? Akala niya lang yun. Hindi ko binuhos ang lahat ng natitirang lakas ko sa mga walang kuwentang miyembro ng Reptile Skull. Sinasapak ko nalang ang kanilang ilong o di kaya sa kanilang leeg upang madali silang matumba. Nang mapansin kong wala nang pumipigil saakin ay agad kong sinugod ang lalaking nakatayo habang nagmamasid saamin.

