Fifty-seven: The Original Reptile Skull THIRD PERSON Lahat ay tahimik lamang nakatingin sa lalaking nagpaputok ng baril na nakangisi. Edmund. Isang pangalan ang naglalaro sa isipan ng tatlo habang hindi makapaniwalang nakatingin lamang kay Edmund. Edmund Vasquez. Ang matalik na kaibigan ni Kirk at Wilfredo no'ng high school sila. Nakatingin lamang si Kirk kay Edmund tila hindi makapaniwala sa nagawa ng dating kaibigan. Hindi lubos naisip ni Kirk na magiging ganito kasama ang kaniyang dating kaibigan. Ang mga bata naman na nakaupo at nagpapahinga sa maruming sahig ng carnival ay gulong gulo sa mga nangyayari ngayon. Takang taka man sa pangyayari ay di pa rin nila maiwasan na matakot sa presensya ng taong kararating lang. "Kirk Erickson, always tops the class since grade school, pop

