Chapter 30

513 Words
  Thirty : Best Friends   CASSANDRA MAE "Mahal mo naba ako?" Napatigil naman ako sa tanong ni Anthony sakin. Napakurap naman ako at umiwas ng tingin. "A-ano? Mahal?" Tumawa naman ako, "Wala sa bukabularyo natin yan diba?" I said. Tiningnan ko siya ulit. Ilang saglit ay nakitawa din siya. "Hahaha. I know, I know. Baka naman kasi nainlove ka na sakin dahil sa kagwapuhan ko." I punched him in his arms, "Wag feelingero!" Tumayo naman siya, "Tara na." Aya niya at nauna nang lumakad. Agad naman akong tumayo at sumunod sakanya.   ** Nandito ako ngayon sa garden. Nag cutting classes naman ako. Eh sa bored ako eh. Pake niyo ba? "Mahal mo na ba ko?" Napapikit naman ako ng maalala ko ulit ang tanong sakin ni Anthony kahapon. "Sandra?" Iminulat ko naman ang aking mga mata at bumungad sakin ang isang napakagwapong nilalang. Ngumiti naman ako at niyakap siya. "Kiperrrrrrr!!! I miss you!" Sigaw ko. Tumawa naman siya. Ilang weeks kaya kaming di nagkita. "Hi Sands." Nakangiting bati niya. Umupo naman kami sa bench. "Ba't nandito ka ngayon? Nag skip class ka na naman?" Tiningnan ko naman siya, "Nung una tayong nagkita, pinalabas ako ng teacher." Tinaasan naman niya ko ng kilay, "Ahh.. Kung ganon nag skip class ka ngayon?" Nakangiting tumango naman ako, "Tumpak!" Nakangiting umiling naman siya. "Ikaw, Ba't nandito ka?" Tanong ko sakanya. Tumingin muna siya sa langit bago niya ko sinagot. "Nag skip din." Pambihira! HAHAHAHA. "Kamusta kayo ni Anthony MO?" He asked. Sinapak ko naman siya pero siyempre mahina lang. Tumawa naman siya. "Kami? Okay lang." I answered. He looked at me and he smirked. "How about your feelings for him?" Nang aasar na tanong niya sakin. Napabuntong hininga naman ako. "Ewan. Magulo, eh." Nakangiting sagot ko sakanya. Napailing naman siya at ginulo ang buhok ko. Napasimangot naman ako. "Naguguluhan na nga ang damdamin ko. Pati buhok ko, guguluhin mo din?" Nakasimangot na sabi ko. Tumawa naman siya with matching palakpak. I crossed my arms and looked at him. Ilang saglit ay tumigil din siya at tumikhim. "Sandra, Sandra, Sandra. Aminin mo na kasi sakanya that you like him! Simple as that!" He said. Binatukan ko naman siya. "Akala mo ba ganun kadali umamin?" Napatingin naman siya sakin at nag pout, "Alam ko naman eh." He said. Napa irap naman ako. "Alam mo naman pala eh! Hindi ganun kadali umamin, Kipps. Lalo na kapag sa playboy ka nagkagusto." I said and sighed. Napailing naman ang katabi ko, "Tsk, tsk. Ang playgirl nahulog sa playboy. What a nice karma." I glared at him. Ngumisi naman siya ng nakakaasar, "What? I'm just saying the truth." I rolled my eyes at tumingala nalang. Bigla naman niya akong Pi-nat sa likod. "It's okay, Sands. Kapag masaktan ka, I'm here for you. I'll be your Handsome Boy Best Friend from now on." He said napatingin naman ako sakanya ng nakangiti. Okay na sana eh kaso may Handsome pa. Tinaasan ko naman siya ng kilay, "Really?" Tumango naman siya at ginulo ulit ang buhok ko. "Opo! Kaya dapat tandaan mo ang date kung kelan tayo naging mag bestfriend kasi mag ce-celebrate tayo ng monthsary natin every month." Tumawa naman ako. Aba! Corny din nitong ni Kiper noh? Tumango naman ako at ngumiti. "Sige." I replied. Niyakap naman niya ko at nag sway sway pa. Napahagikgik naman ako. "You don't how much you've made me happy, Best friend." Sabi niya. Niyakap ko din siya pabalik. "It's my first time to have a boy best friend, Kips." I said. Tumawa naman si Kiper. "Don't worry, me too." He replied.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD