Twenty-nine : Letter
MARA JESSICA
Nang nasa cafeteria kami, napansin ko na wala si Cassandra at lalo na din si Anthony.
"Asan si Cass at Anthony?" Tanong saamin ni Jana. Akala ko ako lang nakapansin. Nagkibit balikat naman kami. Tumayo naman si Mark at Ashton.
"Kami nalang ang oorder. Ano order niyo?" Pagprisinta nila.
Sinabi naman namin kung ano gusto naming kainin. Tumango naman sila at umalis na.
Pinatong ko ang aking siko sa may lamesa and I rested my chin against my palm.
Dahil boring ngayon, Jana Tapped the table while Rena rested her head on the table. Si Kielyn naman ay tinitingnan ang paligid habang ang dalawang boys naman ay nag uusap.
CHRISTIAN RYU
"Chris." Napatingin naman ako kay Xander at tinaasan siya ng kilay.
Bigla naman niyang pinitik ang aking noo. Aray! Sakit nun ah?
"Huwag mo ngang itaas ang kilay mo! Mukha kang bakla." Napasimangot naman ako. Ang gwapo ko naman para maging bakla.
Magsasalita pa sana ako ng tumikhim si Xander at nagsalita.
"Malapit na ang Trials." Bumuntong hininga naman ako.
"I know, so kelan tayo mag eensayo? Matagal tagal na din ang last fight natin, eh." Sabi ko.
Nagkibit balikat naman siya, "Ewan ko. Tanungin nalang natin mamaya si Mark."
Ilang saglit ay bumalik na si Kuya Ashton at Mark dala dala ang mga order namin.
"Ang dami naman ng mga order niyo." Naka busangot na sabi ni Kuya Ashton.
Tumawa naman ang mga girls.
"Sino ba ang nagsabi na ikaw ang kukuha ng order namin?" -Mara.
Napakamot naman ng ulo si Kuya Ashton. Tsk! Nagpopogi points lang yank ay Mara eh!
Umupo naman sila at nagsimula na kaming kumain.
MARA JESSICA
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam muna ako sa kanila na dadaan muna ako sa aking locker.
After ilang minutes ay nasa harap na ko ng aking locker. Binuksan ko naman ito. Kukunin ko lang naman ang libro ko sa Science.
"Teka.." Kukunin ko n asana ang libro ko ng may napansin akong papel. Napakunot naman ang noo ko. Wala naman akong maalala na may nilagay akong papel ditto ah?
Kinuha ko naman 'to at inamoy. Oo, inamoy muna. Scented eh. Hmm.. Bango!
Dear Mara,
Congratulations! You just won a-
Syempre joke lang. Eto na babasahin ko na, mainip pa kayo eh.
Dear Mara Jessica Pineda,
You're kind, sweet, honest, caring and a loving girl.
Napataas naman ang aking kilay. Weh di nga?
You're also a beautiful girl. Not only from the outside, but also from the inside.
Ey Keye weg nemeng genyen! Lalaki lang yung ulo ko eh!
Love,
'Avo'
Napahagalpak naman ako sa tawa. Seriously? Avo?! HAHAHAHA! Inilagay ko nalang ulit yung sulat ni 'Avo' sa aking locker at kinuha nalang ang aking science book. Sinara ko na ang aking locker.
Habang naglalakad ako ay di ko mapigilang ngumiti. Eh sa kinikilig ako eh! Pake niyo ba?! First time kasing may nagsulat ng letter sakin mga beh eh!
"Oh, ngiti ngiti mo diyan?" Tanong ni Jana sakin habang nakataas ng kilay. Umiling naman ako habang pinipigilang wag ngumiti.
Tiningnan naman niya ko na para bang ako ang pinaka weird na tao sa mundo.
Shix! Who the hell are you Avo?