MULING MAGING AKIN Chapter 114: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . “Beshy, isubo naman si Sir Jasper este subuan mo naman ang asawa mo! Hehe.” Hindi pa rin tapos isang ‘to katutukso sa akin sa asawa ko. Ako nahihiya sa asawa ko sa mga pinagsasabi nila. “Wag na Virginia, nakakahiya naman sa asawa ko baka hindi pa siya mabusog.” Naiilang kong sabi. Ngayon lang ako hindi naging komportable ng ganito sa asawa ko. “Ay sus, ngayon pa talaga nahiya sa asawa matapos niyo mag unli ano! Dali na, naghihintay si Sir Jasper oh? Kita mo ang lagkit na nga ng tingin sa iyo eh. Go na besh, ipasubo na yan!” Patuloy pa rin na panunukso ni accla! Jusko, parang gusto ko na lang mag palamon sa sofa. Tawang tawa naman si Jane habang nakahawak pa sa mala-pakwan niyang tiyan. Banggitin daw ba ang pag-unli ano

