MULING MAGING AKIN Chapter 115: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . “Jamie Acaylar? Are you referring to my wife’s f*****g ex-boyfriend?” Seryoso at nakakatakot na tanong ni Jasper. “Kilala mo pala siya, Sir Jas?” Kunwari ay gulat na tanong ni Jane. Tsk. Ang galing umarte. “Yes, Sir Jas. Ex nga siya ni beshy pero matagal na panahon naman na yun, ikaw na ang asawa niya. Magkaka-ba—” Mabilis na tinapalan ni Jane ang bibig ng asawa sa tangka nitong sasabihin. “Ah mahal, ipaubaya mo na ang part na yan kay beshy.” Nakangiwing sabi ni Jane sa asawa niya na halos pabulong na.” Tinampal naman ni Virgilio ang sariling bibig. “Oo nga pala. Sorry na mahal.” Bulong naman ni Virgilio sa asawa. “What is it?” Nakataas ang isang kilay na tanong ni Jasper. “Wala yun, Sir Jas. Ang gusto ko sabihin,

