THIRTY THREE

1135 Words

MULING MAGING AKIN Chapter 33: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . ‘Di lang ikaw. ‘Di lang ikaw ang nahihirapan, damdamin ko rin ay naguguluhan. Ayan ang mga katagang nasa isip ko ngayon ng mabasa ko ang mensahe ni Jasper pero wala ako balak sabihin sa kanya. “Sorry.” Tanging reply ko sa mga sinabi niya. Alam kong nasasaktan siya ngayon pero hindi pa sapat ang sakit na nararamdaman niya para masabi kong totoo na lahat ng pinapakita at pinaparamdam niya sa akin, kumpara sa mga sakit na naramdaman ko noon, wala pa ito. “I love you, hon. I still love you despite all these pains. I still want to be with you kahit patago. Matitiis ko lahat ng ito basta wag mo lang ako iiwan muli, hindi ko na kakayanin. Don't be sorry. I understand, it's all my fault.” Nababasa ko lang ang message niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD