MULING MAGING AKIN Chapter 34: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . “Is Mr. Smith, the real father of your daughter?” Napaka seryosong tanong ni Sven. Kakatapos lang namin kumain ng dinner, narito na kami ngayon sa sala. Hindi na ako lumingon sa kanya, sa tono pa lang ng pananalita niya, sigurado akong seryosong sagot ang gusto niyang marinig sa akin. “Yes. Siya nga, ang dati kong asawa.” Nakatulala lang ako sa kawalan. Wala akong balak ilihim ito kay Sven, siya ang pinaka nakaka-unawa ng sitwasyon ko. “I see. Kaya ganun na lang siya makatingin sa akin kanina.” “Makatingin? Anong ibig mong sabihin?” “Ang sama ng tingin niya sa akin lalo na kapag nakahawak ako sayo, para niya akong pinapatay sa isip niya.” “Dahil ba diyan kaya naisip mo na siya ang tatay ng anak ko?” “Hindi.

