MULING MAGING AKIN Chapter 54: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . “H-ha?” “Anong ha? Hakdog? Wag mo ko idaan sa pag ha mo. Sagutin mo ko, kilala ko ba? Oo o hindi?” Nagsimula na naman ako maging mataray. Halata naman sa reaksyon niya na ayaw niya na malaman ko kung sino. “H-hindi po, ate.” Utal niyang sagot sabay iwas ng tingin sa akin. Naningkit ang mata ko at tinignan ko siya ng may pagdududa. “Sigurado ka? Hindi ko kilala?” Muli kong tanong. “Ahm, siguro te? Hindi ko sure pero hindi siguro.” Alanganin niyang sagot kaya naman hinila ko ang buhok niya. “Gâga ka! Iharap mo sa akin ang lalaking yan ah! Kailangan ka niya panagutan! Paano kung may nabuo diyan? Gumamit ba kayo ng proteksyon?” Eksaherada kong tanong. Gigil niya laman loob ko! “Ahm… Hindi ko alam, ate eh. Basta

