MULING MAGING AKIN Chapter 104: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . MATAPOS ANG ISANG LINGGO namin na pananatili sa Siargao Island, pauwi na kami ngayon sa Romblon. Nakakapanghinayang lang dahil hindi na ako nakapag paalam kay Isay dahil wala siya. Ilang araw na rin sarado ang tindahan niya. Hindi man lang nakilala ni Jasper ang naging kaibigan ko dito. “You can sleep for now, hon. Gigisingin na lang kita.” Hinalikan ako sa noo ng asawa ko. Tumango lang ko sa kanya at pumikit na. Sakay kami ng private jet na pag-aári ng asawa ko. Mayroon ditong kwarto kung saan pwede kami magpahinga. “Wake up, hon. We're here.” Panay ang halik ni Jasper sa buong mukha ko. “Hmm… Anong oras na, hon?” Inaantok kong tanong. Gusto ko pa talaga matulog. “It's already lunch time. Come on.” Inalalayan

