MULING MAGING AKIN Chapter 105: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . Isang buwan na ang nakalipas magmula nang pumunta kami sa Siargao ni Jasper. Isang buwan na rin kami na nag sasama dito sa bahay na pinagawa niya. Walang araw na hindi kami naging masaya mag-asawa. Binawi talaga namin ang mga taon na nagkahiwalay kami. Nalulungkot lang ako sa amin ni Sven dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin kami magkausap ng maayos. Pakiramdam ko ay iniiwasan niya ako. Sa tuwing tatangkain ko kasi na sabihin sa kanya ang tungkol sa pagpapanggap namin ay bigla na lang siya magiging abala sa kung saan at kung ano-ano pang dahilan. Nag-uusap naman kami pero madalas ay tungkol na lang talaga sa trabaho. Hinahanap na nga rin siya ni Zanyca, kung magkausap man sila, tanging video calls na lang. “Hon? Sa

