MULING MAGING AKIN Chapter 108: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . “H-hon… H-hindi ganun yun. M-makinig ka muna sakin.” Sumunod ako sa kanya ng tumayo si Jasper at binuksan ang balkonahe dito sa kwarto namin. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa railing nito. Yumakap ako sa kanya mula sa likod. “For what? For another lies? Tell me, ilang kasinungalingan pa ba ang maririnig ko mula sayo?” Inalis ni Jasper ang braso ko na nakayakap sa baywang niya bago humarap sa akin na puno ng sakit ang mga maga. “Hon, hindi ko intensyon ang pasakitan ka o saktan ang kalooban mo. Natakot lang talaga ako noon magtiwala kaya pinili ko na protektahan ang puso ko. Maniwala ka, wala talaga sa plano ko ang gamitin si Sven para saktan ka. G-gusto ko lang naman malaman kung hanggang saan mo kaya magtiis para l

