MULING MAGING AKIN Chapter 109: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . “That dear friend of yours is in love with you secretly at gagawin niya lahat makuha ka lang sakin. Sorry na lang siya, hinding-hindi ako pipirma sa annulment papers kahit magkamatayan pa kami.” Nakakatakot ang boses ni Jasper pero mas natatakot ako sa banta niya kay Sven. Kailangan ko kumpirmahin kay Sven ang mga sinabi ng asawa ko. Naguguluhan ako kung sino ang paniniwalaan ko. Kilala ko si Jasper, kapag nag babanta na siya, ibig sabihin ay totoo ang kaniyang sinasabi o malalim ang pinaghuhugutan nito. “Kakausapin ko muna siya, hon. Ako mismo ang magtatanong sa kanya kung ano ang katotohanan.” Baka kasi mali lang ang nakuhang impormasyon ni Jasper. “Sa palagay mo talaga papayag pa ako na makipag-usap ka sa gagóng y

