MULING MAGING AKIN
Chapter 3:
ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –
“Feel at home, wife. Everything here is yours too.”
Si sir, pa-fall. I mean ang asawa ko. Awkward pala tawagin ang boss ko na asawa ko.
Wala na akong nagawa nang mag-insist si sir Jasper na iuwi ako dito sa tahanan niya. Kailangan ko na talaga siguro tanggapin na nakapag-asawa ako ng wala sa oras. Hayst, wala pa nga isang buwan simula ng maghiwalay kami ng ex-boyfriend ko tapos ngayon biglang may asawa na ako. Alak pa more!
Bago ako sumama sa kanya, napagkasunduan namin na susubukan namin magsama at gampanan ang responsibilidad namin bilang mag-asawa sa loob ng isang taon. Kapag walang nabuong pagmamahalan o anak sa pagsasama namin, he will file an annulment and treat each other as strangers.
Naging maayos naman ang pagsasama namin ni Jasper sa loob sa mga nakalipas na buwan. Kahit na paminsan-minsan nakikita ko siya na nakatitig ng matagal sa larawan ng ex-girlfriend niya. Mababakas pa rin sa mga mata niya ang lungkot at panghihinayang.
Aaminin ko sa sarili ko na nasasaktan ako dahil natutunan ko na siyang mahalin. Hinihiling ko na nga na sana, mahalin na rin niya ako para hindi na namin kailangan pa maghiwalay. Ayaw ko siya pilitin na mahalin ako kaya ginagawa ko na lang lahat ng makakaya ko kahit pa maging alipin niya ako sa kama sa tuwing nasasaktan ang asawa ko kapag naaalala ang dating kasintahan.
Alam na rin ng mga kakilala namin ang tungkol sa aming dalawa kaya minsan ay nagiging tampulan kami ng tukso.
“Ugh! Ano ba naman ito, ang asim ng sikmura ko!” Bulalas ko nang makaramdam ako ng hilo at tila nasusuka. Mabilis akong tumakbo sa banyo para sumuka pero halos wala naman nalabas. Nanghihina din ang pakiramdam ko.
“Ala-sais na pala ng umaga pero wala pa rin ang asawa ko?” Tanong ko sa aking sarili. Nang makapag-hilamos at toothbrush, tinignan ko agad ang cellphone ko kung may message or miss call ba si Jasper. I'm disappointed na kahit isa ay wala man lang. Palagay ko ay inumaga na naman siya sa paglalasing sa bar, malamang ay ang ex-girlfriend na naman niya ang dahilan.
May nakapag sabi sa akin na noong nakaraang buwan ay nakita nila ang asawa ko na nagmamakaawa na kausapin siya ni Yasmine, ang ex-girlfriend niya. Buhat dun, madalas na umuwi ng lasing si Jasper. Kung minsan pa, kagaya ngayon ay hindi siya nakakauwi. Kapag dumating siya sa umaga, maliligo lang siya at magkakape saglit tapos ay aalis na. Hindi man lang nagalaw ang almusal na hinanda ko para sa kanya. Sa huli, mawawalan na rin ako ng gana kumain. Papasok na lang ako sa trabaho ng hindi nag-almusal. Hindi ko na rin alam kung kailan ba yung huli na nag-usap kami ng maayos, para kasing ang tagal na rin.
Pinipilit ko balewalain ang kirot sa puso na nararamdaman ko. Ang iniisip ko na lang ay sa akin pa rin naman siya kasal. Ako pa rin ang legal at isa pa, kasal na ang ex-girlfriend niya sa kuya niya.
Hindi ko na hinintay na dumating si Jasper. Nag-asikaso na lang ako agad ng sarili ko papuntang trabaho. Hindi na rin ako nagluto dahil wala din ako gana, sigurado naman ako na hindi rin kakain ang asawa ko.
Habang nasa office ako ay naisip ko na rin manghingi ng gamot sa clinic para sa sikmura. Nag pa-check na rin ako ng blood pressure ko dahil sa madalas ng nararamdaman kong hilo.
“Ang baba po ng dugo mo ma'am. Lagi ka po bang puyat?” Tanong ng nurse at inalis na ang pang-BP.
“Hindi naman, nakakatulog naman ako ng sapat. Madalas nga ay inaantok pa ako kahit sobra pa sa walong oras ang tulog ko.”
“May iba ka pa po ba na nararamdaman bukod sa hilo?”
“Madalas din mangasim ang sikmura ko hanggang sa mag suka na ako.”
“Hmmm… Sigurado po ako tuwing umaga mo madalas yan maranasan.”
“Oo tama ka. Nagigising na lang ako sa umaga na masama ang pakiramdam.” Tumano-tango naman ang nurse.
“Ma'am MaiMai, kailan ka pa po huling nagkaroon ng menstruation?”Napa-isip naman bigla kung kailan nga ba.
“Ahm, two months ago pa yata? Hindi ko na matandaan.” Nanlaki na lang mata sa isipin na baka nagdadalang-tao na ko.
Nag katitigan kami ng nurse habang nakangiti siya sa akin.
“Sa lahat po ng sinabi mo, I suggest na mag pregnancy test ka. Kung ano man po ang maging result, kailangan mo po mag pa-check-up sa doctor.”
Nakaramdam ako ng excitement. Hindi ko na pinatagal pa, nag half-day na lang ako para may maabutan pa akong clinic na bukas. Sana ito na ang sagot para hindi na kami tuluyan maghiwalay ng asawa ko. Tamang-tama, first wedding anniversary na namin next week. Plano ko siyang sorpresahin kung sakaling positive.
“Congratulations, mrs. Smith! You're eight weeks pregnant.”
Ang sarap sa pandinig. Para akong nakalutang sa alapaap sa sobrang saya na nararamdaman ko.
Matapos ko mag pa-check-up ay dumiretso na muna ako sa mall para tumingin-tingin ng mga damit pang buntis at gamit ng baby. Wala pa naman akong balak na bumili, na excite lang talaga ako. Hindi ko na namalayan ang oras hanggang sa inabot na ako ng gabi.
Hanggang sa makauwi ako ng bahay ay nakangiti pa rin ako. Ang sarap pala sa feeling kapag may buhay na sinapupunan.
“Where have you been?” Napaka seryosong saad ng asawa ko. Natatakot ako sa nakikita kong awra niya ngayon
“Ahm… Sa mall lang, hon.”
“Nag-half day ka sa trabaho mo para lang pumunta ng mall? Nakipag kita ka sa lalaki mo?” Galit niyang tanong.
“Anong pinagsasabi mo? Wala akong lalaki, Jasper. Sumama ang pakiramdam ko kanina kaya uuwi na sana ako, naalala ko na may kailangan pala akong tignan.” Kalmado kong sabi. Ayaw ko masira ang masaya kong mood.
“That's bullshit! May kailangan ka lang tignan inabot ka pa ng gabi? Ang sabihin mo may ibang lalaki ka!”
“Aray! Ano ba?! Bitawan mo nga ako! Nasasaktan ako!”
“Talagang masasaktan ka sa akin kapag nahuli kita na may ibang kalandian. Naiintindihan mo?”
Nasasaktan ako sa paghawak ni Jasper sa panga ko, maging ang hawak niya sa isa kong braso. Hindi ko akalain na kayo niya akong saktan ng ganito dahil lang sa maling akala.
Pabalya naman niya akong binitawan kaya napa-upo ako sa sofa.
“f**k! Bullshit!” Mura niya habang palabas ng bahay. Narinig ko na lang ang pagtunog ng sasakyan.
Napatitig ako sa kawalan habang lumuluha. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari.
“Anong nangyari? Bakit tila ibang Jasper ang kasama ko kanina?”
Namula ang braso ko na hawak kanina ng madiin ng asawa ko. Napahawak na lang ako sa dalawang buwan kong tiyan.
“Pagpasensyahan mo na lang ang daddy mo anak, pagod siguro siya sa trabaho. Hindi niya pa kasi alam na nasa tiyan ka ni mommy kaya niya nagawa yun. Sigurado ako hindi niya yun ginusto.”
Oo, tama. Hindi yun ginusto ng asawa ko.