FOUR

1197 Words
MULING MAGING AKIN Chapter 4: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – Nag-file ako ng leave para sa araw na ito para makapag-prepare ng mas maaga para sa surprise dinner ko kay Jasper. Ngayong araw ang first wedding anniversary namin. Excited na ako ibalita sa kanya ang pagdating ng aming anghel. Sigurado ako na matutuwa siya dahil mahilig siya sa mga bata. Nagpatulong na lang ako sa mga kasambahay para sa pagluluto. Dahil espesyal ang araw na ito sa akin kaya mas gusto ko na ako ang magluto para sa asawa ko. Habang naghihintay sa pagdating ng asawa ko, naligo muna ako, nagbihis ng sexy at nagpahinga sandali. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nataranta ako bigla nang magising ako dahil pasado alas-nueve na. Wala pa ang asawa ko ng magising ako. Wala rin siya na kahit anong mensahe sa akin. Sinubukan ko siya tawagan. Tatlong beses ko siya tinawagan pero tatlong beses niya rin pinatay ang tawag ko. Hindi na lang ako tumawag dahil baka busy pa talaga siya. Maghihintay na lang siguro akom “Sana man lang umuwi siya ng mas maaga-aga ngayon dahil wedding anniversary namin.” Malungkot kong bulong sa sarili. Nakakaramdam na rin ako ng gutom. Inaalala ko ang baby sa tiyan ko kaya kumain na muna ako kahit konti ng dessert na ginawa ko. Naghintay pa ako ng ilang oras at dahil nga sa buntis ako ay mabilis lang ulit ako antukin. Pinipilit ko gisingin ang diwa ko. “Ma'am MaiMai, magpahinga na po kayo sa kwarto niyo. Ako na lang po maghihintay kay sir.” Nag-aalala na sabi ni manang Lila. “Okay lang po ako manang. Magpahinga na po kayo, ako na ang bahala dito.” “Sigurado ka ba ma'am? Tawagin mo na lang kami kapag may kailangan ka.” Nginitian ko naman si manang Lila at tumango. “Hating gabi na pala.” Bagsak balikat akong tumayo para pumunta sa kusina. Pinilit ko na lang kumain kahit konti sa mga niluto ko alang-alang sa anak ko. Hindi ko na inistorbo ang mga kasambahay para magligpit, ako na lang ang nagkusa. Matapos magligpit, umakyat na ako sa kwarto para magbihis ng pang tulog ko. Malungkot ako na tumingin sa sarili ko sa harap ng salamin. “Napabayaan mo na pala ang sarili ko. Kaya hindi niya siguro ako makuhang mahalin dahil sa pisikal kong anyo. Kailan ba ako huling nag-ayos ng sarili ko?” Natawa na lang ako sa pagka-usap ko sa sarili ko. I just realized, simula pala ng ikasal kami ni Jasper, wala na akong ibang inasikaso kundi siya. Matagal ko din na tinignan ang repleksyon ko, magulo ang buhok, maitim ang ilalim ng mata, maputla, at bahagyang lumubo ang katawan ko. In other words, losyang ako tignan. Wala na ang dating magandang hubog ng aking katawan, na madalas noon naka-exposed. Ngayon, nakatago na lang sa malaking damit. Maputi at makinis naman ako, mahaba at straight din ang buhok pero ngayon ay wala man lang suklay sa maghapon. Hindi kagaya ng asawa ko na hanggang ngayon napaka gwapo parin. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, may mapang-akit na hugis na labi, kulay grey ang mga mata at laging mabango. Palibhasa ay amerikano ang ama. Sana makuha ng baby namin ang looks niya lalo na ang kulay ng mata. Nakahiga na ako sa kama namin nang dumating si Jasper. Nagbasa na lang ako ng libro para ma-divert ang atensyon ko. Nalulungkot ako pero ayaw ko na intindihin pa yun, makakasama lang sa amin ng baby ko. “Gising ka pa pala. Tamang-tama, may gusto ako sabihin sayo.” Parang balewala lang sa kanya ang espesyal na araw na ito. “Ako din may gusto din sana sabihin sayo pero ikaw na lang ang mauna.” Seryoso kong saad. Sasabihin ko pa rin sa kanya ang tungkol sa anak namin. “Magbihis na muna ako.” Ilang minuto din ang tinagal ni Jasper sa banyo. Habang nasa loob ng banyo ang asawa ko ay panay ang tunog ng cellphone niya. Sinilip ko kung sino ang tumatawag, bagay na sana hindi ko na lang pala ginawa. “Babe Yas.” Mahinang basa ko sa nakaregister na pangalan. Para akong na estatwa, kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko na hindi magagandang bagay. Hindi nagtagal ay bumukas na ang pinto ng banyo, saktong namatay ang tawag. Halatang naligo pa muna ang asawa ko. Kumuha ng alak si Jasper at pumunta sa terrace. Malapit lang ito sa higaan namin. Nakamasid lang ako sa malapad na likod niya. Napapatanong ako sa sarili ko kung talaga ba na hindi naalala ni Jasper ang wedding anniversary namin, wala ba talaga yun halaga sa kanya? At sino yung tumawag kanina? Babe Yas? Hindi kaya ang ex-girlfriend niya? Yasmine ang pangalan nun kaya posibleng siya nga. Kumirot na naman ang puso ko. Lumapit sa akin si Jasper at inabot ang isang folder na nakapatong sa lamesa. He is giving me cold stares. Kinuha ko ito sa kamay niya, may kung ano akong kaba na nararamdaman. “Annulment paper?” Tanong ko kay Jasper at tumingin sa mga mata niya. Pigil ang luha ko sa mga sandaling ito. Dahil ba sa babaeng mahal niya? “Yes. I already signed it, pirma mo na lang ang kailangan but it can wait tomorrow.” Balewala nitong sabi. Samantalang ako, durog na durog na. “After you sign it, I want us to…” “I understand. I'll sign it tomorrow. Gusto na sana matulog kung ayos lang? It's already 2 am.” May nais pa sana sabihin si Jasper pero hindi ko na pinatapos pa. Ayaw ko na makarinig ng kahit ano mula sa kanya. Kahit nasasaktan ng labis, hindi ako nagpakita ng kahit konting lungkot at pagluha sa harap niya. Kahit ito man lang, ma-save ko ang sarili ko. Ayaw ko na mag mukhang kawawa pa. “Alright. Let's sleep then.” Kalmado niyang sabi. Naramdaman ko pa ang pagyakap sa akin ni Jasper mula sa likod ko at paghalik sa ulo ko. Nakatalikod ako sa kanya dahil ayaw ko na makita niya ang pagluha ko. Hinintay ko si Jasper na makatulog ng mahimbing. Hindi ko na hihintayin pa na pumutok ang umaga, ako na ang kusang aalis. May kahihiyan pa naman ako sa sarili ko. Pumatak ang luha ko sa annulment paper matapos ko itong pirmahan. Napatakip ako ng mariin sa bibig ko para hindi ako makalikha ng ingay. Nakahanda na ang iilang gamit ko sa pag-alis, wala rin naman ako masyadong dala nang pumunta ako dito. Mabigat sa loob na hinubad ko ang wedding ring namin at ipinatong sa ibabaw ng annulment paper. Pinakatitigan ko muli ang asawa ko sa huling pagkakataon at hinalikan siya sa labi. Wala na akong plano magpakita pa sa kanya. At kung nagkataon na magkita man kami, desidido na ako na hindi ipakilala sa kaniya ang anak namin. Habang buhay ko iyon ililihim. “Kung dumating man ang panahon na magkita tayo ng hindi sinasadya, sana wala na ang sakit sa puso ko at pareho na tayong masaya sa buhay. Salamat sa magandang regalo na iniwan mo sa akin. Aalagaan at mamahalin ko ang anak natin hangga't nabubuhay ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD