MULING MAGING AKIN
Chapter 5:
ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –
MAKALIPAS ANG PITONG TAON ✤
“May malaking project tayo sa Pilipinas and you are going with me.”
Napanganga na lang ako sa sinabi ng boss ko. I have been working here in Singapore for six years as a secretary of Sven Dione Tan, CEO of WorldConstruct Enterprises.
“K-kasama talaga a-ako?” Alanganin kong tanong.
“Of course, ikaw lang naman ang secretary ko? Don't tell me may tinataguan ka sa Pilipinas?”
Nakangising sabi ni Sven. Inaasar na naman ako ng isang ‘to! Alam niya kasi ang istorya ng buhay ko. Actually, siya nga ang tumulong sa akin makarating dito sa Singapore at binigyan ako ng trabaho bilang secretary niya. Si Sven ang naging katuwang ko sa lahat ng bagay dahil hindi pa ako sanay dito Singapore. Mula sa pagbubuntis ko hanggang sa pagpapalaki sa anak ko ay nariyan siya.
Hindi ko akalain na ang patpatin na kaibigan ko simula elementary kami ay isang bigatin na CEO na pala sa nakalipas na taon.
Malayong-malayo na si Sven sa dati niyang anyo. Napakagwapo na niya ngayon at maganda na ang hubog ng katawan. Makailang beses ko na rin nasilayan ang eight packs abs niya. Singkit din siya dahil singaporean ang daddy niya. Nanirahan sila ng pamilya niya sa Pilipinas dahil sa negosyo ng daddy niya. Nag-migrate lang noong magtapos kami ng highschool kaya nawalan na rin kami ng komunikasyon.
“Hindi naman sa ganun. Magtatagal ba tayo sa Pilipinas?” Kahit alam ko naman ang sagot ay tinanong ko pa rin.
“Sa palagay ko, mas magtatagal tayo doon compared sa naging projects natin sa ibang bansa. International airport kasi ang project natin. Hindi bastang pipitsugin na company lang ang kumuha sa atin. Bilyon-bilyon ang pinag-uusapan dito. Magandang chance din ito para mas lalo pa makilala ang WCE sa industry.”
Napatango-tango naman ako sa paliwanag ni Sven. Kaya naman pala determinado siya gawin ang project.
“Ano pa nga ba ang magagawa ko? Secretary mo lang naman ako. Saan ba tayo sa Pilipinas?”
“Sa bayan natin, sa Romblon.”
Laking tuwa ko sa sinabi ni Sven. Taga-Romblon kasi ang pamilya ko. Mabuti na lang talaga sa lugar namin para maging kampante ako na iwanan ang anak ko kila mama at papa habang nag-ta-trabaho ako.
Sigurado ako na matutuwa ang pamilya ko lalo na ang mga magulang ko dahil matagal na nila kami pinapauwi para makasama ang apo nila.
Inasikaso ko kaagad ang flight namin next week. Sagot naman daw ng client ang accomodation namin ni Sven. Dahil na rin matatagalan kami sa Pilipinas, inasikaso ko na ang mga school requirements ng anak ko para sa pag-transfer. Hindi naman naging mahirap dahil kaibigan ni Sven ang school owner.
“Thank you for this, papa Sven! I love it!”
Masaya ang anak ko dahil sa pasalubong ni Sven na manika. Humalik pa siya sa pisngi ng ninong niya.
“You're most welcome, baby girl.”
Sven tapped my daughter's head.
Ganito talaga sila ka-closed. Minsan nga napagkakamalan pa sila na mag-ama. Napangiti na lang ako ng mapait nang maalala ang tunay na ama ni Zanyca. Kamusta na kaya siya? Mayroon na siguro siyang asawa't anak.
Zanyca Francesca Pascual is my daughter’s full name and she looks exactly like her father. Hindi ko ginamit ang apelyido ng dati kong asawa sa anak ko, wala naman ako plano pa na ipakilala siya sa ama niya.
Makalipas ang isang linggo, nakarating na rin kami sa Pilipinas. Hindi na muna kami dumiretso sa accommodation na inilaan sa amin. May dalawang araw pa naman bago magsimula ang official working days namin. Sinadya lang namin ni Sven agahan ang punta sa Pilipinas para bumisita sa pamilya ko.
“Napakagandang bata naman talaga ng apo ko, mana sa lolo.”
“Tumigil ka nga diyan, Arman. ‘Wag mo takutin iyang apo natin.”
Natatawa na lang kami ni Sven kina mama at papa.
Kilala naman ng magulang ko si Sven noon pa. Dito na rin siya nag-stay, may spare room naman para sa kanya. Kahit papano naman napagawa ko na itong bahay namin. Dito ko din iiwan si Zanyca sa kanila, malayo-layo din kasi ang byahe mula dito sa bahay papunta sa site at isa pa, mas maaalagaan ng mabuti ang anak ko dito. Uuwi na lang ako tuwing day off ko.
“Malalim yata ang iniisip mo?”
Inabutan ako ni Sven ng hot choco. Narito kami sa terrace. Alas-diyes na ng gabi kaya tulog na ang mga kasama namin dito sa bahay.
“Salamat. Naalala ko lang ang childhood ko dito. Nakaka-miss din pala tumira ulit sa ganitong kapayapang lugar.”
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtitig sa akin ni Sven pero hindi ako lumingon sa kanya.
“Iniisip mo ba siya ngayon?”
“Sino?” Alam ko naman talaga kung sino tinutukoy niya.
“Your ex-husband.”
“Sort of. Hindi ko naman maiwasan dahil kasama ko araw-araw ang kamukha niya.”
Natawa pa ako ng mahina. Natupad ang hiling ko noon na sana makuha ng baby ko ang looks ng daddy niya.
“Paano kung magtagpo ang landas niyo?”
“We're strangers now, Sven. Hindi ko siya kailangan pansinin o batiin. Baka nga ganun din ang gawin niya sa akin.”
Naging tahimik na kami parehas at kapwa may malalim na iniisip.
Sa loob ng pitong taon, wala ako ibang ginawa kundi ang kumayod para sa anak ko. Hindi ko binigyan ang sarili ko na muling umibig pa kahit may mga sumusuyo sa akin. Wala na ako plano pa na mag-asawa. Ilalaan ko na lang ang buong buhay ko para sa pamilya ko lalo na sa anak ko. Siya na ang buhay ko.
Sa totoo lang, ang isa din sa mga dahilan kaya kumakayod ako ng husto yun ay para makalimot ako. Dala ng sobrang kalungkutan at pagkabigo, muntik na ako makunan. Ayaw ko ng mangyari pa iyon kaya inayos ko ang sarili ko. Salamat sa tulong ni Sven, siya talaga ang naging knight in shining armor ko. Tumatanaw ako sa kanya ng malaking utang na loob.
Ang hinihiling ko na lang ngayon, sana tuluyan na nga talaga nakalimot ang puso ko. Sana kayanin ko na harapin siya ng hindi bumilis ang pintig ng puso ko para sa kanya. Sana makuha ko na maging masaya para sa kanya at bago niyang pamilya.