SIX

1188 Words
MULING MAGING AKIN Chapter 6: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – “Kailangan na magtrabaho ni mommy, anak. Behave ka dito kila lolo at lola ha? I will call you everyday and of course, you can call me too.” Niyakap ko ang anak ko at hinalikan sa noo. “Yes, mommy. Papa Sven, please take care of mommy.” Tumingala pa si Zanyca kay Sven. “Sure, baby girl. You can count on me.” Kinarga ni Sven ang anak ko at hinalikan din ito sa pisngi. Ngayon pa lang, nakakaramdam na ako ng lungkot. Hindi pa man din kami nakakaalis, na mi-miss ko na agad ang anak ko. Ganito talaga siguro kapag nanay na. Matapos magpaalam sa pamilya ko, bumiyahe na din kami kaagad patungo sa accommodation namin na malapit lang din sa site. Isang high-class condominium building ang pinasukan namin. Magkatabing unit sa 5th floor ang nakalaan para sa amin ni Sven. Masasabi ko na totoo ang sinabi ni Sven na hindi lang basta pipitsugin ang kliyente ng WCE ngayon. Nang mailagay na namin ang mga dala naming gamit sa kaniya-kaniya naming unit, dumiretso na rin kami agad sa site. May opisina kami doon para sa transactions. As usual, gusto ni Sven na maging hands-on kaya siya din ang nakikipag-usap sa engineers, Architects, managers at head ng RJAZ Transportation Corp. Hindi ko alam ang kahulugan ng RJAZ pero kilalang-kilala ang company na ito worldwide kaya naman marami ang nagkakandarapa na negosyante para makipag-collaborate sa kanila. Kung sino man ang CEO ng RJAZ, napakahusay niya mag-handle. Mystery kasi ang pagkatao niya, maging si Sven ay hindi pa ito nakita sa personal. Hindi na nag-aksaya ng oras ang aming team, mabusisi nilang pinag-aralan ang bawat detalye ng proyekto. Ginawa ko naman ang trabaho ko bilang secretary ni Sven. Hindi rin ako umaalis sa tabi niya para mabilis lang niya ako mauutusan, kahit na aasiwa ako sa tingin ng isang binatang Architect na kasama namin, si Architect Lopez. Kanina ko pa napapansin ang malagkit niyang tingin sa akin. Kahit seryoso na nakikipag usap si Sven, napupuna din niya iyon at alam na niya ang dapat gawin. Automatic na lumilingkis ang isang braso niya sa baywang ko na sadya naman niya ipinapakita sa lahat. Ito ay upang maiwasan ang mga nagtatangka na lumapit sa akin. Sanay na ako sa ganun dahil wala naman malisya sa akin iyon. “One of theses days, pupunta dito ang CEO ng RJAZTC dahil gusto niya personally na makita ang improvement ng project. Wala siyang specific date na sinabi pero sigurado ako bigla na lang lilitaw yun dito. Sa lahat ng transportation projects namin, ito ang pinakamalaki at mahalaga sa kanya.” Wika ng head operations manager ng RJAZ na si mr. Valle. Siguro masungit ang CEO nila. Sabi niya kasi mahalaga ito kaya sigurado magiging mahigpit siya sa bawat detalye at materyales na gagamitin maging sa pag tatrabaho namin ng pulido. Nakakapagod ang buong araw ng pagtatrabaho pero kaya naman. Malayu-layo pa tatapusin kaya matagal pa kaming magsasama-sama. Wala naman ako masabi sa mga workmates ko dahil very professional. Nagkayayaan muna ang mga kasamahan ko na mag-celebrate sa first day ng aming trabaho. Pinayagan naman ito ni Sven. Wala sana ako balak sumama dahil tatawag pa ako sa anak ko pero ayaw ko naman maging kill joy. Ngayon lang naman kaya pinagbigyan ko na. Naki-join na rin sa amin ang team ng RJAZ. “I miss you na agad, baby ko.” Malambing kong kausap sa anak ko. Nag video call muna ako sa kanya bago kami tumuloy ni Sven sa bar. Malapit lang naman, nauna na rin doon ang mga kasama namin. “I miss you too, mommy. I already have new friends here. They're nice, I like to play with them.” Natutuwa naman ako sa kwento ni Zanyca. Bakas nga sa mukha niya ang saya. “Good to hear that. I will call you again tomorrow morning. Mommy and papa Sven just need to go somewhere with our colleagues. Sleep early. Okay?” Nagbilin pa ako ng ilang mga bagay sa anak ko at kay mama. “Kumusta si Zanyca sa first day niya na hindi ka kasama?” Napalingon ako kay Sven na kasalukuyang nagmamaneho. “Big girl na talaga siya. Sabi ni mama hindi naman daw nahirapan si Zanyca mag-adjust. Marami na nga agad mga kaibigan eh.” “I knew it. She's friendly and lovely kaya mabilis siya magkakaroon ng mga kaibigan.” “Anong plano mo sa upcoming birthday niya? Debut niya pala iyon dahil seven years old na siya. As usual, you can file your leave basta invited ako at dapat may lumpia.” Natatawa lang yan si Sven pero seryoso yan sa sinabi niya na dapat may lumpia. Favorite niya kasi yung ginawa ko dati. “Gusto niya ng simple celebration lang pero dapat marami daw handang pizza and hotdog with marshmallows. Ilang buwan pa naman kaya mapaghahandaan ko pa.” Favorite kasi talaga ng anak ko ang garlic shrimp at beef salami na flavor ng pizza. Kuhang-kuha ni Zanyca maging ang paboritong pagkain ng kanyang ama. Napailing na lang ako nang maalala ko na naman ang dating asawa ko. Almost everyday nagpapa-deliver si Jasper ng pizza noong nagsasama pa kami. “Why? Bakit umiiling ka? May matamis na nakaraan ka bang naaalala?” Nakiki-marites na naman ang kaibigan kong ito. “Wala naman. Chismoso ka talaga.” Inirapan ko naman si Sven na kinatawa niya. Nang makarating sa restobar na pinuntahan namin, nagkakasiyahan na ang mga kasamahan namin. Kumain na muna kami ni Sven dahil anong oras na rin. Kahit sanay na ako sa gestures ni Sven, naiilang pa rin ako sa mga panuring tingin ng mga katrabaho namin. Alam kasi nila na secretary ako ni Sven pero ako pa ang inaasikaso nito. Si Sven ang naglalagay ng pagkain sa plato at maging sa inumin ko. “Don't mind them.” Seryosong sabi ni Sven habang nilalagyan na naman ng ulam ang plato ko. “Ako na kaya kukuha ng pagkain ko? Kaya ko naman eh and isa pa ang dami mo ng nilagay.” Sinamaan naman ako ng tingin ni Sven. Sigurado nagtatampo na naman siya. “Wala na tayo sa trabaho ngayon, kaya hindi mo ako boss. Kinahihiya mo na ang kaibigan mo ngayon?” Sabi na eh. Ayaw niya kasi na pinipigilan ko siya na asikasuhin ako at ang anak ko. Matampuhin talaga. “Oo na! ‘Wag ka na magtampo diyan. Gusto ko nang dessert, bigyan mo ko.” “Okay. Bawal ka uminom ng alak ah.” “Hindi naman ako iinom noh! Baka magkalat pa ko dito, ikahiya mo pa ako.” “Nope. That will never happen kahit mag-maoy ka pa diyan.” “Hinding-hindi ako mag-mamaoy noh!” “Kwento mo sa pagong.” “Bwisit ka.” Napahagalpak naman ng tawa si Sven sa pang-aasar sa akin kaya sinalpakan ko ang bibig niya ng saging na hawak ko. Napalingon tuloy sa gawi namin ang mga kasama namin. Hindi ko na lang inintindi dahil baka magtampo na naman ang isang ito. Nagsusubuan as a friend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD