MULING MAGING AKIN
Chapter 7:
ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –
“Wanna have some drinks?”
Napalingon ako sa taong nag-aabot sa akin ng baso na may lamang hard liquor, it’s Architect Lopez. Nginitian ko naman siya at umiling. Gwapo din itong si Architect Lopez, kasing tangkad din ni Sven at bata pa. Siguro ay matanda lang sa akin ng ilang taon pero hindi ko gusto ang tingin niya sa akin.
“Thanks but no, architect. Hindi po ako nainom ng alak.” Magalang kong pagtanggi.
“Oh, I see. I'm sorry for that.” Maayos at nakangiti naman niyang sabi. Mukha naman na hindi siya na offend sa pagtanggi ko.
Nagtungo kasi saglit si Sven sa restroom kaya ako lang mag-isa dito sa pwesto namin.
“Do you need anything, architect Lopez?” Baritonong boses ni Sven. Nakakunot ang noo at mag kasalubong ang kilay nito.
“Nothing, Mr. Tan, Inalok ko lang si ms. MaiMai ng maiinom.”
“Thanks for your offer but she’s not drinking alcoholic drinks.”
“Yeah, she already told me. Sorry for that again.”
Nag-sukatan ng tingin si Sven at Architect Lopez pero si Architect din ang unang bumitaw.
Nagpaalam na sa amin si architect Lopez kaya kaming dalawa na lang naiwan ni Sven. Hindi na kami nakigulo sa mga kasamahan namin na busy sa pagsayaw sa dancefloor.
“Be careful with that man. Don't ever trust him.”
Makahulugan na sabi ni Sven. Tumango naman ako sa kanya.
“Yeah. I know.”
Sven is always protected sa aming mag-ina. Maswerte kami na hindi niya kami pinababayaan ni Zanyca. Lalo pa siguro kapag natagpuan na ni Sven ang babaeng nakalaan para sa kanya.
Sa ilang taon namin na magkasama sa trabaho, ni minsan ay wala pa siyang pinakilala sa akin na babaeng nagugustuhan niya o kahit nabanggit man lang. Ayaw ko naman tanungin dahil personal life na niya iyon. Ako na yata ang pinakamasayang kaibigan kapag nakita ko na siya na may mag-aalaga at magmamahal na rin ng wagas sa kaibigan ko.
Sobrang busy din naman talaga ng boss kong ito kaya siguro wala pang panahon mag-asawa. Wala naman akong ibang hangad sa kanya kundi ang lubos niyang kaligayahan. Kasi ako, kuntento na ako sa aming dalawa ng anak ko. Bonus na lang na may papa Sven na gumagabay kay Zanyca kaya hindi niya hinahanap ang totoong ama.
“Ouch!”
Sinamaan ko ng tingin si Sven sa pagpitik niya sa noo ko. Masakit ah! Kasing laki pa naman ng dinosaur ang daliri ng mokong na ‘to.
“Kanina pa kita tinatanong kung gusto mo pa ng dessert, nakatulala ka lang diyan. Delulu ka na naman.”
“Ano ba kasi yun? Nag-uusap kami ni self eh, istorbo ka.”
Palusot ko na lang. Napalalim pala ang iniisip ko.
“Ang creepy mo kasi tingnan kapag nakatulala ka eh. Baka mamaya hubo't hubad na ako diyan sa isip mo.”
Natawa pa siya na parang akala mo talaga yun ang iniisip ko.
“Pampam ka noh? Iniisip ko lang kung tanggapin ko kaya yung offer sa akin ng ibang company. Yung hindi namimitik ng noo yung CEO.”
Pang-aasar ko naman sa kanya. Takot lang niya na mawalan ng maganda, seksi at pulido mag trabaho na secretary.
Nawala naman ang ngisi niya at sinamaan ako ng tingin.
“May sinasabi ka? Wala kasi akong narinig.” Nakasimangot niyang tanong. Tinungga niya rin ang hawak nyang alak.
Ako naman ang tumawa sa kanya ngayon.
“Sabi ko sino yung delulu?” Nakangisi kong tanong.
“May sinabi ba ako? Nag hallucinate ka na naman.” Para siyang babae na may regla makairap sa akin. Lalo ko naman siya tinawanan. Ang lakas niya mang-asar pero pag siya inasar, pikon naman.
Nauna na kami ni Sven bumalik sa unit namin. Matapos maligo at magbihis ay nahiga na rin agad ako. Hindi na ako tumawag kay Zanyca dahil alam ko naman na tulog na siya.
Hindi pa ako makatulog, ngayon lang nag sync in sa akin yung possibility na magtagpo ang landas namin ng dati kong asawa.
Paano pala kung isang araw habang kasama ko si Zanyca ay makasalubong namin siya sa daan? Ano nga ba ang gagawin ko?
Napabangon ako bigla dahil hindi ko kaagad naisip iyon.
“s**t. Baka alukin niya ako ng bilyun-bilyong pera niya kapalit ng anak ko?”
Okay, medyo OA ako sa part na yun.
Muli ako humiga ng pabalya sa naisip. Hindi naman niya siguro kukunin sa akin ang anak ko? Baka nga itanggi pa niya na kanya si Zanyca dahil sa loob ng halos isang taon ay hindi man lang kami nakabuo tapos kung kailan naghiwalay na kami biglang may anak pala kami?
Bahala na! Maliit naman ang chance na makita niya ang anak ko dahil narito naman kami sa Romblon. Hindi din alam ni Jasper na taga dito talaga ako.
Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako. Nagising na lang ako sa alarm ko nang ala-sais ng umaga.
Agad kong hinagilap ang cellphone ko para patayin ang alarm at tawagan si mama. Bago ko tinawagan sina mama ay binasa ko muna ang new message sa akin ng kaibigan kong si Jane Gonzales. Katrabaho at kaibigan ko siya noong nagtatrabaho pa ako sa L.M. Electro World. Ako ang pumalit noon kay miss Briannah as team leader.
“Hoy babaeta ka! May balak ka pa naman siguro umuwi ng Pilipinas, ano? Umuwi ka dahil ikakasal na ang nag-iisang bestfriend mo na maganda kay bakla kung hindi ay magtatampo talaga ako! Isusumpa ko talaga ang lagusan mo na agiwin at kumunat. Na send ko na invitation card sa email mo. Tse. Labyu!”
Oo nga pala, sa lahat ng nakakakilala sa amin ng dati kong asawa, ang kaibigan kong si Jane lang ang nakakaalam na lumabas ako ng bansa. Alam niya ang nangyari sa amin ni Jasper at kung bakit kami naghiwalay.
Hindi ko nga pala siya nasabihan na nasa Pilipinas na ako. Hindi din alam ni Jane o ng kahit sino na nagkaroon kami ng anak ni Jasper.
Mahigpit ang bilin ko kay Jane na ‘wag ipapaalam kahit kanino na umalis ako ng bansa dahil gusto na ng tahimik na pamumuhay doon. Naintindihan naman niya iyon at nirerespeto.
Pag-iisipan ko muna ang imbitasyon niya. Sigurado kasi ako na invited din ang dati kong asawa dahil boss din nila siya. Ayaw ko din naman na magtampo ang kaibigan ko na yun. Kahit kasi may pagka loka-loka ang babaeng yun, totoo siyang kaibigan.
Bahala na nga! A-attend na lang siguro ako sa kasal niya. Mag tirik na lang siguro ako ng kandila at ipagdasal na sana walang Rayn Jasper Smith ang lumitaw doon.