EIGHT

780 Words
MULING MAGING AKIN Chapter 8: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – Halos isang oras na rin ang nakalipas nang magsimula ang wedding ceremony ni Jane at Virgilio, halos isang oras ko na rin hindi maintindihan ang pakiramdam ko. Pakiwari ko ay kanina pa may nakamasid sa bawat kilos ko mula sa kung saan. Pinipilit ko na lang balewalain ang nakakakaba at kakaibang pakiramdam ko. Nakakahiya naman sa kinakasal kung bigla na lang ako aalis. Labis pa naman ang tuwa ni Jane nang sabihin ko na pupunta ako sa araw ng kasal niya. Nangako din ako na mag overnight ako sa resort kung saan gaganapin ang kasal at reception nila. Pumayag ako basta ang kondisyon ay aalis din ako ng maaga kinabukasan dahil may pasok pa ako, pumayag naman ang mga kaibigan ko. Dahilan ko lang talaga yun. “Mare kong expired!!! I miss you so much. Napaka ganda mo! Lalo kang gumanda at sumeksi. Bagay na bagay sa'yo ang short hair.” Excited na lumapit sa akin si Jane. Yumakap kami sa isa't-isa. Yumakap din ako sa groom niya. Hindi ko akalain na talagang magkakatuluyan ang dalawang kaibigan ko na ito. Biruin mo naman kasi pareho sila pusong babae. Ang asawa niya kasi ay si Virgilio sa umaga at Virginia sa gabi. Dati lang namin sila tinutukso ngayon ay bubuo na ng sariling pamilya. Masaya ako para sa kanila. “I miss you too, mga mare!” “Ikaw ah! Ilang araw ka na pala nakauwi ng Pilipinas tapos wala ka man lang nasasabi sa akin. Magpapabili pa naman sana ako sa'yo ng imported chocolates.” Natatawa ako sa pag nguso ni Jane. Katulad pa rin talaga siya ng dati. “Ikaw pa ba? Syempre may mga dala ako para sa inyo mg hubby mo.” Mabuti na lang talaga na isipan ko bumili ng maraming chocolates. “Ayy talaga?! Salamat! Tara na sa reception doon natin ituloy ang kamustahan.” Malapit lang naman ang reception hall kung saan ginanap ang beach wedding. Dito nga pala ito sa L.M Beach Resort sa Batangas, na pagmamay-ari ni sir Kel. Sinagot kasi ni sir Kel ang reception bilang regalo na rin sa mag-asawa. Buong maghapon nag kasiyahan ang mga bisita. Nahihiya pa akong bumati kay miss Briannah at sir Kel na dati kong mga boss, hindi kasi ako umalis ng maayos sa company nila. Ipinasuyo ko lang kay Jane ang resignation letter ko noon. Binati din ako ng ibang dati kong ka-trabaho at nakipag kamustahan din. “Uyyy… Sino ang hinahanap mo ha?” May tonong mapang-asar na tanong ni Virgilio habang naka-akbay sa asawa. Naka ngiti naman si Jane ng makahulugan. “Wala naman akong hinahanap noh? Sino naman ang hahanapin ko?” Umirap naman ako sa kanila. “Nariyan lang iyon sa tabi-tabi, wag ka mag-alala.” Pang-aasar pa muli ni accla. Humagikhik naman si Jane at hinampas ng mahina sa dibdib ang asawa. “Wag mo na nga asarin, mahal. Kita mong namumula na nga si kumare oh.” “Hindi ko alam ang pinagsasabi niyo. Normal lang tumingin ako sa paligid dahil nakakasawa naman tignan pagmumukha niyong dalawa pero wala akong hinahanap. Okay?” Ang lalakas pa rin talaga mang-alaska, nagsama pa talaga silang dalawa. “Oo mo.” Pilospong sabi ni Virgilio. Pasalamat naman ako dahil tumigil na ang mag-asawa sa pang-aasar sa akin. Laking pasasalamat ko din na hindi ko naman nakita miski anino ng dati kong asawa. -- Kinagabihan ay iilang bisita na lang nasa reception. Karamihan ay nasa kaniya-kaniya na nilang cottage at rooms. “Guys, let's play. Bawal ang killjoy ah!” Anunsyo ni Virgilio. Narito kami sa isang mahabang lamesa. Kasama ang mga dati kong ka-trabaho na kapwa mga nakainom na rin. Maging ako ay tinamaan na rin ng espiritu ng alak. “Sige game kami diyan!” Sagot naman ng iba. “Ganito… Lahat tayo ilalagay dito sa gitna ng lamesa ang cellphones natin at kung kaninong cellphone ang unang tumunog, kailangan i-bottom's up itong isang bote ng beer at sasayaw ng seksi dance. Deal?” “Deal! Nice yan!” Hiyaw naman ng mga kalalakihan. “Yari, ka-chat ko pa naman si Sven at Zanyca ngayon.” Bulong ko sa aking sarili. Gusto pa naman ng dalawa mag-group call kami. “Oy, teka may humabol na bisita! Hi sir Jasper!” Tila na estatwa ako sa kinauupuan ko. Ayaw ko lumingon sa direksyon kung saan nakatingin si Virgilio, walang iba kundi sa likuran ko. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko na tila may naghahabulan. Ito yung kanina ko pa nararamdaman. “May I join?” Baritono at seryosong sabi ng tao na hanggang ngayon ay kilalang-kilala ko pa din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD