MULING MAGING AKIN Chapter 86: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . “Oh, dâmn it! Nabutas pa yata ang gulong!” Napahinto kami ni Sven sa gilid ng kalsada. “Stay here, Mai. I'll just check the tire.” Lumabas agad si Sven para tingnan ang gulong ng sasakyan. Tumingin ako sa paligid, nasa kalagitnaan kami ng hi-way kaya wala kami makitang talyer o bahay-bahay na malapit. Kinabahan naman ako dahil anong oras na. Lagot ako nito sa nobyo ko. Napakagat ako sa hintuturo ko dahil bigla akong na stress. “We have a flat tire. Can you wait a little longer? Papalitan ko lang. I'm sorry, I know you're tired. Umidlip ka na lang muna.” Apologetic na sabi ni Sven. “Hindi mo naman kasalanan, may maitutulong ba ako?” Baka kasi kailangan niya taga hawak ng flashlight. “No need, Mai. I can handle

