MULING MAGING AKIN Chapter 87: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . Hindi ka tagalan ay may dumating na rescue. Akala ko ay tumawag si Sven ng tulong pero sabi naman niya ay hindi. Nang makausap ko ang isa sa kanila, napadaan lang daw sila ng makita kami. Nagkibit balikat na lang ako, ang importante, makakauwi na kami dahil baka nagwawala na ang alaga kong dragon. Sabi ni Jasper ay naroon na daw siya sa unit ko. Halos nag hating gabi na ng makarating kami sa condo unit namin. Sinabihan ko na lang si Sven na matulog na diretso, baka kasi pumasok pa sa unit ko. Masasapak talaga siya ni Jasper. “Pasensya na talaga, Mai. Hindi ko din alam kung bakit na flat ang gulong ng sasakyan ko, ayos naman yun kanina bago ako umalis. Sorry talaga.” Kumakamot sa batok na sabi ni Sven. Hinatid niya ak

