MULING MAGING AKIN Chapter 25: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – “Nasaan na ba tayo? Kailangan ko na umuwi, may pasok pa ako bukas.” Iritable kong tanong. “Dito sa secret place natin.” Tumingin ako sa labas, ngayon ko lang napansin na parang nasa isang liblib kami na lugar. Ang itsura nito ay parang bahay bakasyunan. Maraming puno sa paligid pero napapalibutan din ng christmas lights. Nakakamangha ang ganda ng paligid. Bumaba kami ng sasakyan kaya mas lalo ko pa nakita kung gaano kaganda ang paligid. May katamtamang laki din na bahay na dalawang palapag lang. Napakaganda din ng bahay at maaliwalas tignan. May kinuha muna si Jasper na ilang gamit sa sasakyan bago ako inakay papasok sa loob ng bahay. Kung napaka ganda ng itsura sa labas ganun din kaganda sa loob. Very relaxing ang ambian

