MULING MAGING AKIN Chapter 24: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – Lumapit ako sa stall ng milk shake para bumili. Umorder lang ako ng isang large size. “Ito po bayad.” Inabot ko ang pera sa tindera.” “Bayad na po itong order niyo ma'am.” Huh? “Paano pong bayad na?” “Ibig ko po sabihin, libre na po ang first ten na orders. May nag sponsor po kasi ngayong gabi. Pang sampo po kayo kaya libre na.” “Ah..Ganun pala. Okay po. Pakisabi po salamat.” Ang saya naman pala pumunta dito, may libre agad. Halos lahat ng stall pinuntahan ko para umorder pero kahit piso wala man lang ako ginastos. Lahat sila sinasabi na may free sa first ten at lagi ako napapasama dun. Sa totoo lang nakakapag taka dahil sa dami ng tao sa night market, imposible naman na wala pang sampo ang bumili sa kanila. Hindi ko

