MULING MAGING AKIN Chapter 23: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – Kakadaldal sa akin ni Lovebel, nakalimutan ko na mag-message sa boyfriend ko na dating asawa ko. “Ang dami na palang message ni Boy Laway. Tsk. Wala bang ginagawa ang lalaking ‘to?” “Hon, tawag ka po kapag hindi ka na busy. I love you.” Napangiti naman ako message niya. Para kaming mga teenagers na bago palang na magkarelasyon. “Tsk. Sa umpisa lang yan masaya. Tapos kapag nasaktan, sisisihin lahat ng lalaki sa mundo.” Sinamaan ko naman ng tingin ang masamang hangin na dumaan. Dumaan lang talaga siya dito sa pwesto ko para magparinig. Papansin talaga ‘to si boy uhog. Mahigpit ang pagkakakuyom ko sa ballpen na hawak ko. Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Lovebel. “Oo nga, sir. Totoo yan! May saltik kasi talaga

