MULING MAGING AKIN Chapter 22: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – “Good morning, hon. I love you!” Naalimpungatan ako sa boses ng nagsalita. Napatingin ako sa cellphone ko na hanggang ngayon ay nakabukas pa rin ang video call namin ni Jasper. Maganda ang ngiti niya sa akin. Naalala ko sinagot ko na nga pala siya kagabi. Sanay na talaga ako na walang jowa. Tsk. “Good morning din, hon. Hindi mo pala pinatay ang call. Natulog ka ba?” Humihikab kong tanong. Natawa naman siya sa akin. Nagtakip naman ako ng bibig ko syempre. Baka makita pa niya ang tinago kong Yamashita Treasure. “Opo, natulog ako. Sadyang nauna lang ako sayo nagising and my little friend here.” Bumangon ako at nag-inat-inat habang nasa higaan. Nakalagay sa cellphone holder ang cellphone ko kaya nakikita ako ni Jasper. Hindi ko

