MULING MAGING AKIN Chapter 21: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . “Pero hindi na pwedeng maging tayo, Jasper. Hindi na pwede ang katulad ng dati.” “B-but why? M-mayron na b-bang i-iba?” Garalgal na boses nyang tanong. Nag buntong hininga ako, kailangan ko magsinungaling sa kanya. “Y-yes. May b-boyfriend na ako at m-mahal ko siya.” Sandaling nagkaroon ng katahimakan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung dinadaya lang ba ako ng pandinig ko o talagang narinig ko siyang humikbi? “Jasper…” “Okay lang, hon. Papayag ako kahit maging kabit mo lang ako, okay lang sa akin. Basta tayo na lang ulit.” Humihikbing pakiusap ni Jasper. Hindi ako makapaniwala na talagang umiiyak ngayon sa akin ang dati kong asawa at payag pa siya kahit maging kabit ko lang siya. Ganun ba talaga ako niya

