Ngayong buwan ay ipagdiriwang ang birthday ng babaeng anak ng amo nila, si Lavender. Ito ay gaganapin sa susunod na araw. Debut ng dalaga.
Ngayon ay talagang todo linis sila sa bawat sulok ng mansyon. Kung maglilinis man kinabukasan ay unti nalang ang gagawin nila para ayos nalang ng ayos ang gagawin nila.
"Hoy babae! Linisin mo pati yong pool. Dapat malinis na malinis. Pagkatapos naman sa pool ay iyong mga guest room. Dalian mo at ayoko ng kukupad-kupad. Darating ang mga besty ko at ayoko ng tatanga-tanga mamaya ha! Maliwanag ba?!", sabi ni Lavender habang nakaupo sa sala at kumakain ng mansanas.
"Y-Yes ma'am.", nakayukong sabi ni Sienna habang hawak hawak ang walis tambo at dustpan na ka-katapos lang maglinis sa living room.
***
[SIENNA]
Alas-nueve ng umaga ay pumunta na si Sienna sa pool. Malaki ang pool. May isa na para lang sa bata ang swimming pool na ta-tansyahin ang lalim nito ay hanggang 3ft at sa malaking pool naman ay 10ft. Nagsimula na siyang maglinis.
Mga ilang minuto na rin ang nagtagal ay natapos niya na rin ito.
Salamat naman at natapos din ako.
Akmang lalakad na siya papasok sa sala na kung saan ay pwede rin naman siyang pumasok sa kusina papuntang guest room kaso nga lang ay mapa-palayo pa siya ng lalakarin.
"SIENNA!!!! LECHE KA!!! BAKIT HINDI MO NILINIS IYONG GUEST ROOM?!.", sigaw nito sa kanya habang pa-palapit ito sa kanyang pwesto.
Dahil sa sobrang inis nito sa kanya ay itinulak siya nito na ikinalaki niya ng mata dahil sa sobrang lakas nito na itulak siya. At mas lalong ikinagulat niya ng sa pool siya bumagsak at medyo sa kalaliman. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya marunong lumangoy.
"Ma'am!!! Ma'am Lavender!!! T-tulong.. T-tulungan n-niyo p-po a-ako. H-hindi p-po a-ako.... m-marunong l-lumangoy.", nahi-hirapang huminga na sabi ni Sienna na pilit pa rin itinataas ang kamay para lang maka-ahon.
"YAN ANG NARARAPAT SA IYO! LECHE KA! ANG KUPAD-KUPAD MO!! SIMPLENG BAGAY HINDI MO KAYANG MATAPOS NG MABILISAN?!", sabi nito habang nakatayo sa gilid ng pool at nakapameywang pa na animo'y hinahayaan lang na malunod si Sienna.
Hindi na malaman ni Sienna ang gagawin. Ito na ba ang katapusan niya? Alam niyang sa mga oras ding ito ay hindi siya matu-tulungan ni Liling dahil sumama ito sa kanyang inay para makapamili para sa tanghalian.
Sa oras ding ito ay nawawalan na siya ng pag-asa. Hindi niya na kayang ma-igalaw ang katawan niya dahil sa pagod niya ilang pilit na umahon.
Ma, ayokong iwan ka pero ito na ata ang katapusan ko.
Wala na. Suko na siya sa pilit na pagwagayway ng mga kamay niya makaahon lang ngunit wala talaga. Hanggang sa may maramdaman siyang humihila sa kanya paakyat.
Nasa langit na ba ako?
Nakapikit lang siya at ramdam niya na binuhat siya. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mata. Malabo ng umpisa ngunit lumilinaw na at na-aninag niya kung sino ito. Ibinaba siya nito sa may gilid ng pool.
"S-salamat p-po.. S-salamat p-po.. Uhoh!! Uhoh!!", sabi ni Sienna habang umuubo.
"Nagswimming ka tapos hindi ka pala marunong lumangoy. Kainis, dyan ka na nga. Minsan gamitin mo iyang utak mo nang hindi ka napa-pahamak.", sabi nito habang umahon sa ibabaw ng pool at naglakad papunta sa sala.
Ito ay si Leander Priam Walton, ang panganay na anak ng Walton. 25 yrs. Old. Gwapo at namamahala sa isa sa kanilang kumpanya. Parehas din ito ng kanyang kapatid, hindi maganda ang ugali dahil ang turo ng mommy nila. Ang turo ng nanay nito ay ang mayaman ay para sa mayaman lamang at ang mahirap ay para sa mahirap lamang. Hindi naman ito ganoon katulad ng kapatid nito. May-awa pa rin ito na natitira sa puso dahil sa turo ng magandang asal ng daddy nito. May kasintahan ito at ito ay si Thalia Miller na isa din anak mayaman. May lahi itong German. Modelo ito at laging nasa ibang bansa para sa pictorial.
"Hahaha buti nga sa iyo. Pasalamat ka at niligtas ka pa ni kuya. Tandaan mo. Mahirap ka lang kaya kahit anong gusto kong gawin sa iyo ay gagawin ko.", sabi nito sa kanya habang dinuduro-duro ang kanyang ulo at pagkatapos ay umalis na ito.
Iyak lang ng iyak si Sienna. Na-iwan siya sa gilid ng pool mag-isa na basang-basa. Kahit hinang-hina na siya ay pilit pa rin siyang tumayo kahit na nanginginig pa rin ang tuhod niya. Takot ang naramdaman niya ng umagang ito. Muntik na siyang mamatay dahil sa ginawa sa kanya ni Lavender.
Nakarating siya sa kanilang silid. Bakas pa rin ang takot sa kanyang mukha. Tulala lang siya. At hindi alintana ang basa niyang katawan. Nanginginig ang katawan at nilalamig. Naka-upo lang siya sa sahig at patuloy lang sa pag-iyak. Yakap ng mahigpit ang sarili.
Ano bang nagawa kong kasalanan?
***
[NAY SONIA]
Samantala, nakarating na sa mansyon sina Liling at inay Sonia. Sinabihan ni Nay Sonia si Liling na pupunta lang muna ito ng silid habang si Liling naman ay dumiretso sa kusina at hinanda ang mga sangkap na gagamitin sa pagluluto.
Nang makarating si Nay Sonia sa silid ay nakita niya si Sienna basang-basa, nanginginig sa ginaw at yakap-yakap ang sarili. Agad siyang kumuha ng tuwalya para ibalot ito sa katawan ni Sienna.
"Anak. Ano na naman nangyari?", umiiyak na sabi ni inay Sonia at niyakap ng mahigpit ang anak.
"Inay. I-inutusan p-po ako ni ma'am Lavender na l-linisin ang p-pool a-at sunod ko n-naman daw na l-linisin a-ang guest room d-dahil darating daw mamaya ang mga k-kaibigan niya.", sabi ni Sienna habang umiiyak at yumakap sa kanyang ina.
"N-nilinis ko p-po yung pool nang m-matapos po a-ako doon ay p-pupunta na po dapat ako sa g-guest room para iyon naman ang lilinisin ko. Pero n-nakita ko po si ma'am Lavender na galit papunta sakin. At tinulak niya p-po ako sa pool at doon ako n-nahulog. Sa malalim na parte ako ng pool po ako nahulog. Galit po siya dahil h-hindi ko pa raw po nililinis ang guest room. Mabagal daw po akong kumilos. Pilit ko pong inaahon ang sarili ko pero hindi ko magawa dahil hindi po ako marunong lumangoy.", patuloy na kwento ng dalaga sa kanya.
"Akala ko po iyon na ang katapusan ko pero iniligtas po ako ni Sir Priam.", patuloy na sabi nito habang mahigpit na yumakap sa kanya.
Naging kampante naman siya ng marinig niyang iniligtas ang kanyang anak ni Priam at buti nalang talaga ay nasa bahay si Priam. Kung hindi ay baka katapusan na talaga ng anak niya.
"Salamat naman. Mabait talaga si Sir Priam. Hayaan mo at pagsa-sabihan ko si ma'am Lavender. Tahan na anak. Ba-bantayan na kita para hindi ka saktan ni ma'am Lavender. Maligo ka muna at magpalit ka na ng damit at baka magkasakit ka pa. Maiwan muna kita at para matulungan ko si Liling sa pagluluto.", pagpa-patahan nito sa anak at inalalayan niya ito papunta ng banyo.
***
[LAVENDER]
Samantala, sa silid ni Lavender habang naka-upo sa gilid ng kama ay nag-iisip siya ng mga masasamang balak niya kay Sienna.
Inis na inis siya kay Sienna dahil mabait ang daddy niya dito. Hindi lang kay Sienna kundi sa ibang kasambahay din. Mabait talaga ang daddy niya. Pero pagdating sa kanya ay lagi siyang pinapagalitan at sinesermonan.
Bakit nga ba kay Sienna lang siya inis? Dahil napapansin niya na tila paborito ito ng kanyang tatay. Nasabi sa kanya ng kanyang kaibigan na baka ahasin sa kanila ang tatay niya.
'TOK' 'TOK' 'TOK'
"Pasok.", walang gana niyang sabi.
Bumukas ang pinto at bumungad dito ang kuya niya. Umupo ito sa single couch at nagcross-legged ito. Nakasandal naman ang likod nito sa sofa.
"May problema ba kuya?", mataray niyang tanong dito.
"Nakita ko iyong ginawa mo kanina. Bakit mo ginawa iyon?", seryosong tanong nito sa kanya.
Biglang nagkasalubong ang mga kilay niya. Nag-iisip ng ida-dahilan.
"Hindi niya pa kasi nali-linisin iyong guest room. Darating na kasi ang mga kaibigan ko.", dahilan niya dito.
"Hindi mo naman kailangan siyang pagmadaliin. Madami silang ginagawa. Tapos ikaw? Pwede namang ikaw nalang muna maglinis doon.", simpleng sabi nito sa kanya.
Napakuyom siya at itinago ang inis, "Oo nga 'no kuya. Hindi ko rin na-isip. May mga kamay pala ako. Sayang din kung hindi ko ito gagamitin sa panglinis lang.", sarkastikong sabi niya.
"Bueno, it will be a warning number one. Huwag gagawa ng kasamaan.", saad nito sa kanya bilang babala at lumabas na ng kwarto.
Hindi pa ko tapos sa iyo, Sienna. Humanda ka sa mga gagawin ko sa iyo.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na nga ang mga kaibigan nito. Sinalubong niya ang mga ito.
"Sis... I miss you!", sambit niya sa mga ito at nakipagbeso-beso.
"I miss you too, sis.", wika naman ng isa sa mga ito.
"Tara sa living room.", anyaya niya sa mga kaibigan.
Nang makarating sila ng living room ay tinawag niya ang isang katulong ngunit walang sumasagot. Bagkus ay nakita niya si Sienna na bagong ligo at sa tingin niya ay papunta sa kusina. Napa-ngiti siya na tila demonyo at naka-isip ng masamang balak.
"Sienna!...", tawag niya dito at lumapit ito sa kanila.
"A-Ano po i-iyon, M-Miss L-Lavender?", nauutal nitong tanong sa kanya at tanging nakatungo lang ito sa kanila.
"Magdala ka nga dito ng maka-kain. Pati inumin na rin.", mala-anghel na boses at sabi niya kay Sienna.
Hindi niya syempre ipaha-halata sa mga kaibigan niya na maldita siya. Ang alam lang ng mga ito ay isa siyang bubbly person at modernang maria clara.
Sumunod naman ito sa kanya at pumunta sa kusina. Nagtuloy-tuloy lang ang pag-uusap nila ng mga kaibigan niya. Hanggang sa bumalik na si Sienna sa kanila na may bitbit na tray.
"I-Ito na po iyong p-pagkain a-at j-juice, mam.", wika nito sa kanila at isa-isang inilapag sa lamesa.
Napatingin si Lavender sa juice at naka-isip na naman siya ng kalokohan. Kinuha niya ang baso na naglalaman na juice ngunit umarte siyang na-out of balance siya at kunwaring na-aksidenteng naitapon sa damit ni Sienna.
"Oh my gosh!!! I'm sorry, Sienna.", kunwaring paumanhin niya dito at kunwaring inaalis ang basa sa damit nito.
Nagulat ang mga kaibigan ni Lavender at tinulungan si Sienna na punasan ang basang damit. Ngunit tumanggi si Sienna sa kanila at sinabi nalang nito na 'Okay lang' siya at magpa-palit nalang ito ng damit.
Nang maka-alis si Sienna ay pasimpleng ngumisi si Lavender.
Buti nga sa iyo!
Ilang oras din ang lumipas, nagka-kasiyahan lang si Lavender at mga kaibigan niya na biglang magpasya na umuwi na ang mga ito.
"Bye, mga sis. Next time ulit.", sabi niya sa mga ito.
"Oo naman, sis. Basta sa susunod magtravel naman tayo sa Canada.", wika ng isang kaibigan niya.
"Oo naman. So, sino ang may sagot next time?", tanong niya sa mga ito.
Tuwing gigimik sila o magtatravel ay may kanya-kanya silang toka. Pero madalas sa kanya.
Sumagot ang mga ito sa kanya. Pareho-pareho ang sinagot na siya muna ang taya dahil kinonfiscate ng magulang ang credit card o kaya naman ay hindi pa nagbibigay ang magulang ng mga ito.
"Okay. I understand. Ako muna ang taya.", sabi niya sa mga ito na nakahalf-smile.
"Thank you, sis. Aasahan namin 'yan ah. Bye na, sis.", pagpaalam ng mga ito sa kanya.
Nang makaalis na ang mga ito ay pumasok siya sa kanyang kwarto. Ibinagsak niya ang kanyang katawan sa kama. Nakatingin lang sa kisame at malalim ang iniisip.
Ako naman ang laging taya eh.