Chapter 3

1962 Words
[SIENNA] Bitbit ni Sienna ang tray habang papunta sa kusina. Ilang beses niyang pinupunasan ang basang damit. Buti nalang at sa damit niya ito natapon at hindi sa buong katawan niya. Pag nangyari iyon ay baka maligo na naman siya. "Anong nangyari sa iyo? Bakit basa iyang damit mo?", tanong ng kanyang ina na may halong pag-aalala ang mukha nito, "Sinaktan ka ba niya ulit?" "Hindi po, na-aksidente lang po na na-itapon sa akin ang juice.", sagot naman niya dito. "Ganoon ba? Oh sya, sige. Magpalit ka nalang ng damit.", wika ng kanyang ina. Tumango naman siya sa kanyang ina at pumanhik na sa maid's quarter. *** [NAY SONIA] Lumipas ang ilang minuto at natapos ding maluto ni inay Sonia ang mga pagkain at inilagay sa hapag kainan ang mga ito. Inutusan niya naman si Liling na tawagin ang dalawang anak ng amo nila. Wala ang mga magulang nila Lavender at Priam. Ang daddy ng mga ito na si Leon Walton ay nasa ibang bansa dahil nagkaroon ng problema ang kumpanya. Hindi nito pinapabayaan ang mga kumpanya na pinaghirapan at inalagaan ng matagal. Ang mommy naman ng mga ito na si Peach Walton ay nasa mga amiga neto at paalis-alis din dahil mahilig ito magshopping. Minsan pa nga ay sa ibang bansa pa ito pumupunta para mabili ang gusto. Nagtabi ng maka-kain si inay Sonia para sa kanila dahil ang una munang kakain ay ang mga amo nila. Pumunta muna siya sa kwarto kung saan nandoon si Sienna para sabihin na pagsilbihan ang mga amo nila. Sinunod naman ito ni Sienna. "Sienna, ikaw muna ang magsilbi kina Sir Priam.", utos niya dito sa anak. "S-Sige po.", sagot naman ng anak niya na kakapalit lang ng damit. *** [SIENNA] Takot man na may gawing hindi maganda sa kanya si Lavender ay pagsi-silbihan niya pa rin ito. Wala naman din siyang magagawa dahil hamak na katulong lang siya na dapat pagsilbihan ang amo. Kahit na trauma siya sa ginawa ni Lavender ay pipilitin pa rin niyang maging matatag. Naabutan ni Sienna na pinagsisilbihan ni Liling ang mga amo. Habang kumakain sina Lavender ay napalingon ito sa gawi niya kung saan ay nakatayo siya malapit sa pintuan. Isang matulis na tingin ang ibinigay nito sa kanya. "I want juice. Orange juice, please? Sienna.", maarteng sabi ni Lavender na mukhang may binabalak. "Y-yes ma'am.", sinunod naman ito ni Sienna at kumuha ng juice sa refrigerator at lapit kay Lavender. Nanginginig na kinuha ang baso sa gilid ni Lavender at sinalinan ng juice sa baso. Nang maka-inom si Lavender ay nakita niyang biglang nangunot ang noo nito. Marahil ay sa nainom nito kaya nagkaka-ganun ang expression nito. "Bakit ganito ang lasa?! Bakit ang tabang?! Kahit kailan talaga palpak mga ginagawa mo!", sabi nito sa kanya at sabay pagtapon nito ng juice sa katawan ni Sienna. 'SPLASH' Basang-basa si Sienna. Nanla-lagkit ang buo niyang katawan. Ka-kaligo lang niya kanina at maliligo na naman siya? Dahil sa ginawa ni Lavender sa kanya? *** [NAY SONIA] Samantala,nakita ito ni Nay Sonia at mabilis na nakalapit sa anak. Nakita din ito nila Priam at Liling. Mahigpit na niyakap niya si Sienna at tumingin kay Lavender. Walang ibang ginawa ang kanyang anak na si Sienna kundi ang umiyak ulit. Namamaga man ang mata magmula kanina ay wala na itong pakialam. "Ano bang ginawa ng anak ko sa iyo at lagi mo siyang sinasaktan?! Kung may problema ka sa inumin, sana nagtanong ka nalang hindi yong ibu-buntun mo ang galit sa anak ko. Ako!! Ako ang nagtimpla ng juice. Lagi naman akong gumagawa ng mga pagkain pero ngayon. Ngayon!! Nakita ko kung paano ka gumagawa ng kasamaan mo. Ang sama mo!!! Tinuring kitang anak tapos ganito ka pala?", umiiyak na sabi ni inay Sonia habang yakap si Sienna. "Ah ganon. Haha. Gusto mo naman pala malaman kung bakit ako nagka-kaganito dahil maganda ang trato sa inyo ni daddy lalo na kay Sienna. At oo, binalaan ko siya na oras na magsumbong siya kahit kanino ay paalisin ko kayo.", mataray na sabi ni Lavender habang nakatayo na. 'BLAG' Napatingin ang lahat sa malakas na palo ni Priam sa lamesa. "Stop Lavender!!!! Shut your mouth, okay?! Go to your room now and we'll talk later.", sabi ni Priam. Pagkasabi naman ng binata ay agad nagmartsa si Lavender papunta sa kwarto. Nang maka-alis ng kusina si Lavender ay humarap si Priam sa kanila at humingi ng paumanhin. "Pasensya na po nanay Sonia. Hindi ko po alam na ganito pala ang inaasal ng aking kapatid kay Sienna.", paumanhin ng binata kay Nay Sonia. "Salamat ho, Sir Priam. Ina po ako at nasasaktan din ako pag nakikita kong sinasaktan ang anak ko.", maramdaminng sabi ni inay Sonia kay Priam. "Sige po, Nay Sonia. Kakausapin ko pa si Lavender. Kumain na rin po kayo.", sabi ni Priam at naglakad palabas ng kusina. *** Nang silang tatlo nalang ang naiwan sa hapag kainan ay nagtanong si inay Sonia kay Sienna. "Anak. Anong masakit sa iyo? Sinaktan ka ba niya?", pag-aalalang tanong ni inay Sonia habang inaalalayan umupo sa upuan si Sienna. Habang si Liling ay tinanggal ang pinaggamitan na mga amo na plato at nilagay sa lababo. Kumuha ito ng panibagong plato para sa kanila upang makakain na sila. "O-Okay lang inay. M-Medyo m-malagkit ang aking katawan d-dahil madami ang itinapon na juice si mam L-Lavender. M-Maliligo muna ulit ako at magpapalit ng damit. Mauna na kayo kumain. Susunod nalang po ako. Mabilis lang naman po ako.", sabi ni Sienna at naglakad papunta sa silid nila na malapit lang ang silid nila sa kusina. "Oh sige anak.", habol na sabi ni Inay Sonia. Nang sila nalang ang natira ni Liling ay nagsalita ito at pinag-usapan si Lavender. "Ang sama talaga ni mam Lavender 'no nay Sonia. Palibhasa malakas ang loob dahil alam niyang maniniwala sa kanya ang mommy niya kapag nagsumbong siya.", nangga-galaiting sabi ni Liling. "Hayaan na natin Liling. Isipin nalang natin na sana walang gawing hindi masama si Lavender. O sya.. Kain na tayo.", sabi ni inay Sonia habang nagsa-sandok ng kanin. "Sige Nay Sonia. Nagugutom na rin ako.", sabi ni Liling habang nagsa-sandok naman ng ulam. Ilang minuto rin ang lumipas ay natapos na rin si Sienna at nakapagpalit na rin ito ng damit at pumunta na sa kusina at nakisalo kina inay Sonia at Liling. *** [LAVENDER] Samantala, sa kwarto ni Lavender ay pumasok ang kanyang kuya dahil hindi naman naka-lock ang pintuan. Umupo ito sa single couch. Siya naman ay kinuha ang cellphone at kunwaring nagti-tipa. Kita niya sa pheripheral vision niya ang kuya niya na tila tahimik. Oh great! Why is he here? "Why are you here, brother?", prangkang tanong niya dito habang nakatingin sa kanyang cellphone. "Bakit ganon ang ginawa mo sa anak ni nanay Sonia, Lavender?", galit na sabi ng kuya niya. Alam niyang hindi gusto ng kanyang kuya ang inasal niya pero hindi niya mapigilan ang sarili niyang hindi uminit ang ulo kay Sienna kapag nakikita niya ito. Para bang pag nakikita niya ito ay tila mas nangingibabaw ang masamang plano niya dito. Tumingin siya dito, "Hindi mo ba nakita kuya. Ang pangit ng lasa nung juice. Sino ba naman ang hindi magagalit? Simpleng paggawa ng juice hindi pa magawa.", pangangatwiran nito. "Huwag ka nga mangatwiran. Alam natin na si nanay Sonia ang nagti-timpla ng juice. Siya ang naka-toka doon. Dahil si Sienna at Liling ay sa iba't ibang bahagi ng mansyon naka-toka. Noong nasa pool din ay nakita kitang nakatayo sa gilid ng pool. Alam ko ikaw ang may kaga-gawan noon kung bakit siya nahulog sa pool at kanina... Nakita ko ang ginawa mo... Sinadya mong itapon sa kanya ang juice habang kasama mo ang mga kaibigan mo. Bakit mo ginagawa iyon kay Sienna?", walang emosyong sabi nito sa kanya. Bigla niyang naalala ang lahat ng ginawa niya noon. Guilty? Yes, pero sabi niya pa rin sa sarili niya na deserve iyon ni Sienna. Puro nalang Sienna... Puro nalang Sienna... "Because I hate her kuya! I hate her so much!! Hindi dapat maganda ang trato sa kanila dahil katulong lang sila. At si daddy. Bat si daddy mabait sa kanila samantalang sakin ay sinesermonan ako.", pasigaw na sabi niya sa kuya niya. Hindi niya na napigilan ang kanyang emosyon. Umiyak na siya na parang bata, "I HATE HER SO MUCH!!! PURO NALANG SIYA! BAKIT NIYO BA SIYA PINAGTA-TANGGOL?! HINDI NAKAKAAWA ANG ISANG KATULAD NIYA, KUYA!!! MAHIRAP LANG SILA!!! MGA HAMPASLUPA!!!" 'PAK' Napahawak siya sa kanyang pisngi. Isang malutong na sampal ang natanggap niya sa kanyang kuya. Sa tanang ng buhay niya ay hindi siya napagbuhatan ng kamay ng kanilang ama ngunit nagulat siya ng ginawa ito sa kanya ng kuya niya. Hindi niya inaasahan ito, ang bilis ng pangyayari at hindi niya napansin na nakalapit ito agad sa kanya at nasampal siya nito. Masamang tumingin siya dito, "HOW.DARE.YOU.SLAP.ME?!", sabay palo niya sa dibdib ng kuya niya. Hindi naman umiilag ang kuya niya bagkus ay hinawakan ang kanyang magkabilang braso. Hindi siya makagalaw dahil sa ginawa nito. Umiiyak lang siya. "Dahil lang sa atensyon ni daddy kaya ka nagka-kaganyan? Hindi mo ba alam sa ginagawa mo ay mas lalong magagalit siya sa iyo? Humingi ka ng tawad kay Sienna sa lahat ng ginawa mo. And don't act like a child. Act like a young lady. Okay?", sabi nito sa kanya habang pinapakalma siya. Na-upo sila sa kama, "Remember what mommy said, kuya? Hindi sila dapat kaawaan. Isa silang mahirap. Gagamitin lang nila tayo pag nakuha nila loob natin... Kaya naman ayoko magpalinlang sa mga taong mahihirap na iyon." "You don't have to follow what mom said. Wag ka magpa-kontrol. You should do the right thing. Actually, I don't trust them either. You only have to do is makisama ka sa kanila. At para hindi ka malinlang... You have to be alert at dapat marunong ka makiramdam kung ginagamit ka lang ba nila o hindi.", paliwanag nito sa kanya. "I know... My point si mommy dahil magkaiba ang estado natin sa kanila. Kaya dapat, ikaw ang dapat maging matalino dito at hindi ginagamit sa kasamaan.", dugtong pa nito. Oh ghad! What did I do wrong? Bigla siyang naliwanagan sa paliwanag ng kuya niya, "Okay kuya. Sinusunod ko lang naman kung ano ang sinabi ni mommy. Dahil threat sila sa atin.", sumisinghot-singhot pang sabi niya. "Alam ko kung ano man ang sinabi ni mommy sa atin pero ang huwag mong ka-kalimutan ang sinabi ni daddy na walang ikabubuting kaha-hantungan ang ginagawang kasamaan.", pangangaral sa kapatid nito sa kanya. Tumayo ang kuya niya senyales na lalabas na ng kanyang kwarto, "Mag-sorry ka sa kanya. Huwag mong lamunin ang galit ang puso mo. Gawin mo kung ano ang tama.", sabi nito. "Wait kuya.", pigil niya dito. Lumingon ito sa kanya, "Ano 'yun?" "Tomorrow is my birthday. Pwede ko bang i-invite sila Sienna bukas?", tanong niya dito. Hindi sumagot ang kanyang kuya. Nakatingin lang ito sa kanya. "I... I w-won't do anything t-to h-her.", sinseridad niyang sabi dito, "I will say sorry to Sienna later. G-Gusto ko l-lang makabawi sa l-lahat na nagawa kong k-kasalanan sa k-kanya, kuya.", wika niya. Nakita niya namang ngumiti ang kuya niya. Gusto niya talagang bumawi kina Sienna sa lahat ng nagawa niya dito. "Sure. It's your birthday tomorrow. Kahit sinong gusto mo pumunta ay i-invite mo. But remember, if you do something bad to her again... I'm going to tell dad what you did the other day.", babala nito sa kanya. Tumango siya, "Yes, kuya. I will do the right thing." "Good.", wika nito sa kanya at umalis na sa kanyang kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD