[SIENNA] Matapos mag-cr ni Sienna ay may nakita siyang nagtitinda ng mga pagkain. Ano kaya ang masarap? Nakita niya ang nagtitinda ng hotdog. Pumunta siya dito at tinanong kung magkano ang hotdog. "Magkano po iyong hotdog?", tanong niya sa ale. "Kinse.", sagot naman nito sa kanya. Kinuha niya sa kanyang bulsa ang coin purse at binuksan ito. Laking gulat niya na bente pesos nalang ang alam ng coin purse niya. Dahil tig-pipiso ang mga ito ay akala niya ay malaki pa ang laman nito. Bigla niyang naalala ang wallet niya na nasa bag niya. Ang bag niya na iniwan niya sa sasakyan ni Priam. "Sige po. Isa po.", wika niya. "May ketchup o wala?", tanong pa nito. "Meron po.", sagot niya. Ibinigay naman ng ale ang hotdog na nasa stick at siya naman ding bayad sa ale. Habang naglalakad siya at

