[SIENNA] Nasa loob ng maid quarter sila Sienna at Liling habang inaayos nila ang dadalhin nilang mga gamit sa resort nila Eros. "Sienna. Ang swerte natin 'no. Sa totoo lang..excited din ako kasi first time ko lang makakapunta sa mga resort.. Tapos kasama pa si papa Ja-...este si Sir Jason.", kilig na kilig na sabi ni Liling kay Sienna. "Parehas lang tayo, Ate Liling. Pero hindi pa tayo naka-kapagpaalam kay inay.", sabi ni Sienna habang inilalagay sa bag ang dadalhin. Napahinto sila sa paglalagay ng gamit ng pumasok si Nay Sonia. Nagtatakang tignan naman ito ni Nay Sonia. "Bakit kayo nag-aalsabalutan?... Maglalayas kayo?.. Iiwan niyo na ko dito sa mansyon?", madamdaming tanong ni Nay Sonia. "Grabe naman Nanay Sonia.. Hindi kami aalis.. Niyaya kasi kami nila Sir Eros, 'yong kaibigan po

