“Sir Hendrix may naghahanap po sa inyo sa labas. Papasukin ko po ba?. Kaibigan mo daw po siya.” Nagmamadali na lumapit ang aking kasambahay habang nagkakape ako dito sa aking opisina sa bahay. Plano ko na tapusin sana ang aking mga dapat aprubahan at dapat pirmahan. Pagkatapos ay susunduin ko na ang aking mag-ina sa kanilang condo para dito na sila manirahan ng permanente. Tumayo nga ako at naglakad palabas ng silid, sumunod ako sa aking kasambahay. Pagbukas nito ng gate ay nagulat pa ako ng makita ko si Glenda. Hindi kaagad ako makagalaw dahil sa pagtataka kung ano ang pakay nito. Hindi ko ini-expect na magpapakita pa ang babaeng ‘to. “Ex, hindi mo man lang ba ako papasukin?. Para namang hindi ka masaya na nakita ako.” Parang nanunuyo pero malambing na sabi ng babae. Sa too lang kasi

