Pagdating namin sa bahay ay naabutan namin si Glenda at Cassandra na nakaupo lang sa carpet na sahig. Inaalalayan ng babae ang bata sa pag kulay. Natuwa naman ako kahit papano na hindi snobera ang bata na pinalaki ko. “Hello everyone! Anak Cassandra halika.” Sigaw at tawag ko sa atensyon ng lahat. Pati mga kasambahay ay lumapit na din. “This is doctor Loraine, yes tama kayo ng narinig doktor s'ya pero ngayon ako lang ang kanyang pasyente, asawa ko na s'ya at dito na sila titira ng anak namin na si Halia simula ngayon. Halika dito Cassandra.” Tawag ko sa aking isang anak na parang nahihiya pa. Lumapit ito sa aming pwesto kaya kinarga ko kaagad. “Ang bigat mo na baby ko.” Sabi ko sa aking anak habang hinahalikan ko ang pisngi nito. Mukhang naligo na din dahil ang bango masyado. “K

