CHAPTER: 6

1418 Words
Napatingala ako sa langit, matindi ang sikat ng araw pero umuulan. Hindi ko alam kung bakit bigla ang kaba ng aking dibdib. Ganun pa man ay ipinagpatuloy ko ang paglalakad dahil medyo nahuli na ako sa trabaho dahil nga nag kusot pa ako ng ilang piraso ng aking damit. Iba kapag solong buhay, wala kang problema kaso wala din sa'yo mag-aalaga. Mas mainam naman kumpara sa bawat araw konsumisyon naman kung saan maghahagilap ng pambili ng gatas at diaper. Hindi ko ba alam kung bakit ganito ako mag-isip. Paano ba naman, gustuhin ko man mag-aral ay wala naman akong sapat na salapi kaya't paano ko pa maiisip ang pagpapamilya kung sa sarili ko 'e wala naman akong magawa. "Ex, bilisan mo ang lakad at pumarito ka na! Ang dami ng dapat madurog na bato, nag hukay nila Isagani kanina, labas na ang vita noy!." Sabi ng team leader namin na si mang Ben. Kaya mabilis akong nag lakad at tumalon sa malaking lubid. Nagpadaos-dos pababa, pag lapat pa lamang ng aking mga paa sa putikan ay tinungo ko na ang sinasabi nila na vita. Napangisi ako ng makumpirma na totoo nga itong vita. "Tago! Tirahin ko na 'to." Sunod-sunod na pag sabog ang naganap, pagkawala ng usok ay naghihintay pa kami ng ilang minuto hanggang sa kumalma ang paligid. Pagkatapos ay kanya-kanyang kilos ang kanilang ginawa. Nagkuha lang ako sa aking bulsa ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan habang sila ay abala sa kanilang ginagawa, panaka-nakang lumapit naman ako para makita ang kanilang ginagawa. Nagsigawan kami sa tuwa ng makakuha nga ng mga bato na may nakadikit na ginto. "Wooooooohhhh! Partihan na kita ng kwarta sa sabado, kahit dos kenyentos lang ay maray na sa dae." Sigaw ng isa namin na kasamahan, hindi pa kasi ganun kadami ang nahukay at nakuha na ginto kaya na palagay namin ay dalawang libo lang ang bawat isa sa amin. Ayos na din daw keysa wala hindi ba?. Yan ang sabi ng kasama ko kanina. Tumango na lang ako at hindi na umimik pa. Pag-ahon namin galing sa butas ay nagkakapaan na nga dahil baka may nag tago ng bato sa bulsa, uso ang nakawan kapag ganito na may nahukay na. Hindi ko ba alam kung bakit kapag nakakakita na ang iba ng ginto ay naiisipan na din nila na magnakaw. Paano ba naman isang maliit na bato lang kapag swerte ay maaring mababa ang sampong libo kapag maraming ginto ang nakadikit. Pare-pareho naman kami mahihirap pero ang iba 'e sadyang hindi talaga marunong lumaban ng patas. "Pumarito na kayo at kumain na tayo, hapon na." Sigaw ng kusinero namin na si Bukyo. Pagtingin ko sa orasan na nasa aking bisig ay alas tres na pala ng hapon. Masyado kami nalibang kanina at natuwa sa mga bato. Habang kumakain nga ay naisip ko ang bato kanina na nakita ko, kinapa ko sa aking bulsa at inilabas. Pinakatitigan ko ito dahil maganda ang pagkaka-kulay itim nito, may bahid ng parang usok na puti. "Ano ang hawak mo Ex?, itim na perlas ba 'yan?." Tanong ng aming kusinero na medyo may edad na din. kanina ko pa napapansin ang pag sulyap nito sa gawi ko. "Oo, nakuha ko kanina habang nakaupo ako sa butas." "Ibenta mo na kaagad, nasa anim na daan din yan, mas matibay yan kumpara sa perlas na nasa dagat." "Ang mura naman kung anim na daan lang?." "Oo, mas mahal yan sa Maynila, pero dito sa atin mura lang yan. Ex, malas sa ating mga nagkakabud ang itim na perlas kaya h'wag mo na patagalin pa yan at ibenta mo na sa bayan." Napa-iling na lang ako dahil sa pamahiin ng matanda na kusinero namin dito sa kabudan. Ibinulsa ko at sinuksok ang perlas sa secret pocket ng aking lumang maong na pantalon. May ipon naman ako sa bahay kahit papaano at hindi ko pa naman kailangan ang pera kaya para saan at ibebenta ko?, malaki ang perlas na hawak ko at talaga namang solid, mukhang konte lang na ayos nito ay maganda ng pendant ng kwentas o kaya ay ilagay sa sing-sing. Sa amin na mga maglulupa ay hindi mahalaga ang mga ibang bato dahil halos wala namang namimili ng ganun sa bayan, tanging ginto lang sa amin ang mahalaga. May ilan din akong bato na nahukay noon pa, katulad ng kulay pula na sabi nila ay rubi. Mga naliligaw lang ang mga yon dahil sa Pilipinas ay wala namang mina ng brelyante. Nakakatawa lang isipin na ang pinaka sangkap para mabuo ang isang dyamante ay carbon, sa pinas na maraming carbon pero wala naman dyamante. Hanggang sa natapos na kami kumain at nagpulasan na nga ang aming mga kasamahan, kapag ganito na may mga bato kami n nakuha ay sa second step na kami. Dudurugin na ng makina ang mga bato at ang mga kababaihan naman o mga binatilyo dito ang magpapabirik. Isang bilog na parang bilao na gawa sa putik nakalagay ang mga buhangin iikutin ng iikutin sa tubig hanggang sa ang matira ay ang ginto, sabay papatakan ng mercury para tumigas ito. Ilang segundo lang ay may piraso ka na ng ginto. Pinagsasama-sama nga ang lahat at saka namin pinaghahatian. Mas malaki ang bahagi ng manager syempre at ng may-ari ng lupa kumpara sa aming mga tauhan na nag minimina. "Uuwi na ba kayo?, tara na Ex!" Sigaw ni Isagani na tinaguan ko lang, pero lumapit ang manager sa akin at kakausapin daw ako. "Ex, mag dinamita ka kaya muna?, maaga pa naman." "Makulimlim na ang langit boss, delikado na, masyadong madilim na sa loob ng butas boss." "Susunod ka ba o huling sama mo na 'to?, dami mo reklamo 'e may bahagi ka naman sa amin." Hindi ako umimik dahil wala din naman ako magagawa, ayaw ko naman mawalang ng trabaho dahil malapit na ang tag-ulan. Ito ang mahirap minsan sa mga boss namin. Kapag nakakita ng ginto, gusto hukayin na kaagad ng isang araw. Gusto kaagad mabawi ang nilabas na puhunan. Tumayo na ako at tinitigan ang boss namin na nakangisi, ang sarap salpakan ng bunganga ng dinamita ng mawala ang ngisi sa mukha. "Susunod ka din naman pala 'e." Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ng mayabang na si Val dahil baka mabulungan ako ng demonyo 'e mapatulan ko. Mukhang baklain pa naman at iyakin. Sa hula ko ay iiyak ito kapag napilipit ko ang daliri. Bwenas lang at sinilang siya na may pera ang angkan. Kaya maraming babae ang nagkakagusto, pero sa kilos mukhang baklain na pwede sa babae at pwede din sa lalaki 'e. "Anong tinitingin mo ha?." Mayabang na tanong nito sa akin, umiling si lolo Max, ang matanda na may-ari ng lupa, ang tingin nito ay nagsasabi na h'wag ko ng patulan. "Sino ang kasama ko sa loob?." "Tayo lang dalawa, may nakikita ka pq bang iba?" "Siraulo ka ba?, edi mag-isa ka! Hindi pwede na walang radyo galing dito sa taas at nagbabantay ng oras, hindi din pwede na walang bantay sa lubid, sino taga hukay at sino ang taga durog sa baba. Hindi ko porte ang ibang trabaho dahil sa dinamita at pagtingin lang ako ng bato naka pwesto." "Ang dami mong dahilan buset! Bukas na lang, agahan mo. Kapag may nakasalubong ka mamaya na mga kasamahan mo ay sabihan mo na din." Sabi ng lalaki na baklain sabay lakad papalayo. Kupal din talaga ang isang 'yon. Ang sarap ibaon sa lupa. "Mabuti naman at hindi nagpumilit si Val, mahirap kapag ganito na padilim na, masyadong delikado." Sabi ni lolo Max na tinanguan ko naman bilang pagsang-ayon. Matanda na ito at alam din ang kalakaran ng pag giginto. "Wala naman alam ang mayayaman na 'yon sa trabaho ng magkakabud, tanging pag kwenta lang ng pera ang kanilang alam." Sabi pa ng matanda na nagpaalam pa na uuwi. Nakisabay naman ako sa paglalakad nito at nagkakwentuhan pa kami. "Kapag nag partihan tayo ng malaki anak, bibigyan kita ng puhunan. May negosyo ka na lang. Mga natapos na ang aking mga anak at maalwa naman ang buhay sa Maynila, kami na lang mag-asawa ang nandito, sa dami ng aming lupa ay mabubuhay na kami ng maayos. Ikaw ang gusto ko umasensyo, nakikita ko sa'yo na malayo ang mararating mo." Sabi ng matanda na tinanguan ko lang. Ano pa ba ang masasabi ko?, gusto ko din ang ideya niya. Kapag nangyari 'yon ay sigurado magiging masaya ako at pag bubutihan ko para sa hinaharap ay magkaroon ako ng pamilya na hindi isang kahig isang tuka na katulad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD