"Sige anak, dito na ako."
Paalam ng matanda na tinanguan ko lang at kinawayan. Marami namang mabait dito sa amin, kaso madami din mga kupal na laki sa Maynila kahit dito mga isinilang. Kapag nakatungtong na sa syudad akala mo kung sino na mga artista na ang taas na ng tingin sa sarili. Isa na doon ang manager namin na si Val, nuknukan lang naman ng yabang akala mo may alam.
Pagdating ko sa bahay, pagpasok ko pa lang ay nakita ko na si Isagani sa loob.
"Anong ginagawa mo dito?, ang galing mo din ano?, walang pasabi na pumapasok sa loob ng bahay ng may bahay."
"Damot ah, may ginto ba dito?."
"Yon ang hindi ko sigurado"
Sagot ko naman sa aking kaibigan kaya sabay kami na nagtatawanan. Naupo ako sa tabi nito.
"Timpla na ng kape pre ng may silbi ka naman sa akin, putcha nagpaka sasa ka siguro magdamag kay Diane ah?."
Pang-aasar ko sa lalaki na mabilis namang tumayo at nagkuha ng tasa, nag timpla ng kape habang tumatawa.
"Tang*na pre, naka 3 in 1 tayo ngayon ah?, mayaman na ba tayo sa lagay na 'to?. Hahahaha hindi kapeng bigas ah!"
"Hindi pa mayaman pre, naka luwag-luwag lang."
Sabi naman ko sa aking kaibigan kaya sabay na naman kami na nagkatawanan. Inabot na niya ang tasa sa akin na hinigop ko kaagad ang mainit na likido. Nakakatanggal ng pagod ang kape at kahit papano ay nakakapawi din ng gutom.
"Pre, pwede ba na makitira na lang ako sa'yo?."
Tinitigan ko ito ng maigi dahil kilala ko na pa baliw-baliw ang isang ito 'e. Baka nagloloko na naman.
"Mag bibigay na lang ako sa pagkain o kaya papasok ako na husto doon sa kabaret sa bayan."
Dagdag pa nito na sabi habang tumatawa at sumasayaw habang nakahawak sa poste. Sabi na 'e, siraulo ang isang ito kaya mahirap kausapin.
"Seryoso pre, dadalhin ko na sa negros ang mga anak ko. Tatlo baga 'yon at binatilyo na ang panganay ko. Nakipagsuntukan daw kanina dahil sinabihan ng pokpok ang ina. Paano ba naman nagkakalat daw sa bayan kasama ang bagong kinakasama. Hindi na naisip ang kahihiyan na aabutin ng iniwanan niya. Plano ko paupahan na lang ang bahay namin kahit ba dalawang libo bawat buwan at iyon na lang ang ipadala ko sa negros, dagdagan ko na lang kapag may kita ako dito. Maghapon ako abala sa trabaho at nakakaawa baga ang mga bata walang nag aasikaso dahil ang nanay ay sumakabilang buto na."
"Sige, pero mag bigay ka sa pagkain ha?, hindi ako mayaman kaya umayos ka. Pati sa kuryente ay paghahatian na'tin, maliit lang naman ang dalawang daan ko kada buwan dahil electric fan na clip lang naman ang gamit ko kapag tag-init. Malawak naman ang higaan ko, lagyan na lang natin ng dibisyon na kahoy ayaw ko tumabi sa'yo ng tulog, kadiri ka hindi ka naliligo bago matulog diretso higa kaagad."
"Paano sa tubig pare?"
"Tanga ka ba?, may balon ako na igiban sa likod bahay, kaya wala tayong babayaran sa tubig. Sa inumin na lang na mineral 25 pesos lang naman 'yon isang galon na kulay blue."
"Sige pare, payag ka na ha?, tsaka gago naliligo naman ako sa umaga ah."
Natawa ako sa aking kaibigan. Hindi naman ito mabaho at malinis din naman sa katawan, sadyang ayaw ko lang ng may katabi matulog, naawa din ako dito dahil masyadong mabait.
"Maaga pala tayo bukas, nagpapahukay si bakla ng maaga."
"Sige, uuwi muna ako at aasikasuhin ang mga anak ko."
Papalabas pa lang ng pinto si Isagani ng pumasok naman si Pauline kaya bumalik muna sa pagkaka upo ang aking kaibigan na abnormal.
"Pau anong dala mo ang bango ah?"
"Tenola 'to kuya Gani, nagkatay si tatay ng 45 days niya kanina. Kumuha ka dito, marami naman ang dala ko at sobra kay Ex."
"Wow! sa akin, kuya ang tawag kay pre Ex lang."
Hindi na nakapag salita si Pau dahil bumukas naman ang pinto at nilabas si Diane. May dala ang babae na paper bag.
"May dala akong lechon na manok, dumaan lang ako dito, uuwi na din ako."
Sabi nito sabay lapag ng manok sa lamesa. Natatawa ako sa itsura ni Isagani na namumula ngayon.
"Kuya Gani, may gusto ka kay ate Diane?."
"Wala ha! Umuwi ka na nga."
Sabi ni Isagani na kumuha na ng mangkok at naglagay na ng sabaw na kanyang iuuwi.
"Magtira ka lang ng isang hita ng lechon pre, dalhin mo na lahat yan sa mga anak mo."
"At buhay na naman po ang lamang loob ni kuya Isagani sa buraot."
Pang-aasar pa ni Pau na sinagot din ng aking kaibigan ng sarkastiko kaya ang babae ay na tahimik.
"Kaya hindi ka magugustuhan ni pre 'e, talas ng dila mo. Mas mabuti pa sa'yo si Diane kahit maraming chismis, tahimik lang at hindi mapang mata kahit may sinasabi naman sa buhay."
Isa nga din 'yon kaya hindi ko magawa na itaboy si Diane, mabait naman ang babae kahit minsan na pinag-kalat na may relasyon daw kami. Siguro ay mapasubo lang, hindi ko din alam ang kwento dahil hindi naman ugali ng babae na 'yon ang magpaliwanag, hinahayaan niya ang mga tao na isipin kung ano ang nais isipin. Ang dalaga din na nasa tabi ko naman ngayon na si Pau ay taklesa at matalim magsalita.
"Dalawang hita ang tinira ko sa'yo pre, baka ganahan ka e. Salamat pala uuwi na ako. H'wag ka padala sa makinis na legs ni Pau, masama ugali niyan. "
Pahabol pa ng aking kaibigan na ikinapula ng mukha ng babae, nakanguso ito na para bang iiyak na.
"H'wag ka kasi masanay Pau na masama ang sinasabi sa ibang tao, katulad noong isang araw kay Diane, wala naman tayong alam tungkol sa kanya. Kanina naman kay Isagani, kung ano ang maitutulong natin magbigay na lang hindi na 'yong marami pang sinasabi, biro man 'yon para sa'yo, hindi naman nakakatawa para sa lalaki na hindi naman talaga buraot dahil sadyang gipit lang talaga. Umuwi ka na at magpahinga, salamat sa ulam."
"Mamaya na Ex, namimiss na kita 'e."
Sabi ng dalaga sabay haplos sa aking hita. Hinayaan ko lang ito sa kanyang ginagawa dahil sa lahat ng babae na umaaligid ngayon sa akin, ito ang pinaka gusto ko dahil ako ang nauna sa katawan na humawak. Isa pa birhen ito.
Hinawakan ako ng babae at hinihila papasok sa loob ng aking kwarto.
"Maliligo pa ako Pau, madumi pa ako."
Sabi ko sa babae na bumusangot at itinaas ang isa ko na kili-kili sabay inamoy.
"Wala ka namang putok Ex 'e. Pero sige na bilisan mo ha?."
Hindi na ako umimik pa at naghubad na ako sa harap ng dalaga. Nalita ko na pinulot naman nito ang damit ko at nakita ko na siya ang nag lagay sa laundry basket. Hinila ko ang tuwalya sa sampayan at itinapis sa aking bewang at naglakad na ako patungo sa banyo.