Loraine (POV) Napabalikwas ako ng gising, naalala ko May anak pala ako na hindi pa siguro kumakain. Tatayo na sana ako ng bigla akong mapaupong muli sa kama. Ramdam ko ang kirot na nagmumula sa aking balakang patungo sa aking p********e. Ito na ata ang isa mga resulta dahil may edad na ako tapos bata pa ang kapartner ko sa ana-ana. Gusto ko sana tumayo pero hindi ko kaya, para akong binugbog, pakiramdam ko ay bago na naman akong panganak. “Halia baby!!!!” Sigaw ko dahil hindi ko talaga kayang tumayo. Pero wala akong anak na tumakbo patungo dito sa aking silid. Kinabahan ako kaya kahit hirap ay binaybay ko ang dingding at nanguyapit patungo sa banyo. Pinagbihos ko ang tubig na maligamgam at saka sumampa ako sa bathtub. Sampung minuto lang at magsipilyo na ako kaagad sabay hilamos at n

