“Pinapunta ko si Lhai sa bahay mo para alamin kung ano ang kalagayan mo, kung kabilaan pa rin ang nga babae mo o hindi. Dahil kung matino ka na sa palagay niya ay maaari naman kitang bigyan ng pagkakataon na magpaka ama. Pero ng makibalita ako kay Lhai, babaero ka pa rin daw at kalat sa Sitio Sta. Barbara na babae mo ang asawa ng anak ni Vice Mayor at may isa ka pang babae na laging pumupunta sa bahay ninyo. Nang malaman ko ang tungkol doon ay nagpasya na akong lisanin ang bansa. Sabi pa ni Lhai ay mas mahirap ka pa daw sa daga kaya ano ang magiging kinabukasan namin sa'yo?. Baka maging tampulan lang tayo ng chismis na baka sugar mommy mo ako. Naisip ko na tama at may punto naman siya. Isa pa, noong tinanong ka daw niya kung sino ang mahal mo, ang sagot mo daw ay wala at wala kang plano ma

