“Daddy, nakakahiya po kase na ako ang bibili ‘e s'ya ang nauna makakita.” Sabi ng aking anak kaya naagaw nito ang atensyon ko at biglang bumalik ako sa wisyo. “Halia, where are you?.” Hindi na yata titibok ng normal ang puso ko dahil ngayon ay sobrang familiar ng boses na naririnig ko. Pareho kami nagkagulatan ni Loraine. Para akong maiiyak ng makita ko ang babae na matagal ko ng hinahanap, naguguluhan ako na pinagsalitan ng tingin ang bata at si Loraine. Kita ko ang pagkabalisa ng doktora sa kanyang mukha, mabilis niyang kinarga ang batang babae na sa palagay ko ay ka edad lang ni Cassandra. Malaki ang aking hakbang na hinila ko ang braso ng babae. “Ano ba!” Sigaw nito sa akin habang naluluha na ang mga mata sa kaba?! Pero bakit ganun ang nakikita ko?. “Anak ko ba ang batang kar

