Mabilis lumipas ang mga araw at bukas na ang schedule ng paglabas ko ng hospital. Hindi pa totally na magaling pero medyo okay na kumpara noong nagdaang mga araw at linggo. Inalis na din ang simento sa aking isang binti at kulay rosas na at medyo natutuyo na din ang mga sugat sa aking tiyan. Nalulungkot ako at nag-iisip kung paano na ang magiging buhay ko pag labas dito. Wala naman akong trabaho na regular, ngayon ay tag-ulan na at sarado ang mga kaburan o ang tistisan ng kahoy. Napa-buntong hininga ako dahil may-ipon naman ako, kaso lang nga ay pang enroll ko yun sa kolehiyo. Gusto ko na mabayaran na ng buo ang matrikula para sa isang taon ng sa ganun ay mga libro at ilan na lang na kailangan ang iisipin ko. Napalingon ako sa pintuan dahil oras na naman ng paglinis ni dok Loraine sa aking

