"Magpatulo ka na muna ng basa mo d'yan sa labas pre, grabe na lusak dito sa loob na'tin." "Pansin ko nga pre, yan sana sasabihin ko sa'yo, nanghihingi na ako ng panambak na lupa, bukas kapag wala kaming gawa ay maghahakot ako ayusin ko dito." "Sige pre, ako gagawa ikaw mag buhat. Di pa ako pwede sa mabibigat 'e." Sagot naman ni Isagani sa akin. Dalawang buwan na ako nakakalakad ng maayos, at dalawang buwan ko na din hinahanap si dok Loraine, para itong bula na nawala sa hospital. Pinuntahan ko ang bahay nila pero kasambahay na lang ang nandoon, hindi ko alam kung saan ko siya hahagilapin. "Iniisip mo na naman si dok ganda?, mahirap hanapin ang nagtatago pre. Mag focus ka na lang sa sarili mo na pagpapagaling. Tag-init na at kailangan mo makapag-isip ng trabaho, hindi uubra na ganyan k

