Loraine (POV) Nanggigigil na talaga ako sa Glenda na yan pero kailangan ko umakto ng kalmado. Kailangan ko mag-isip ng paraan kung paano matatali sa akin si Hendrix. Mamamatayin na lang ang babae pero nagagawa pang mang gapang. Kung hindi lang masama pumatay ‘e nilason ko na ang babae na ‘yun. Hindi na lang mag focus sa kanyang anak, kung paano ipaparamdam sa bata na mahal niya. Hindi yung kalibugan pa rin. Tapos ngayon iiyak na akala mo biktima ‘e wala naman sa kanyang nanakit. Kalandian talaga nakakabwisit! “Mommy, kailan po kayo ikakasal ni daddy?. Gusto kasi namin ni Cassandra maging flower girl ‘e.” Bigla kong niyakap ang anak ko at pinaliguan ng halik sa mukha. Good idea! Pikot ka sa akin ngayon lalaki ka. Kailangan ko na i-secured na sa akin lang si Ex. Sabi ko sa aking isipan.

