“Pirmahan mo ‘to.” Inilapag ko ang ilang papel sa harapan ni Hendrix, gusto ko matawa sa uri ng tingin nito sa akin ngayon na may pagdududa. “Para saan ba ‘to love?.” Tanong ng lalaki na sinamaan ko ng tingin kaya mabilis na pinirmahan nito ang papel. “Ang dami naman n'yan love, parang nagpirma lang ako ng marriage certificate.” Hawak ko ang mga papel habang May ngisi na tiningnan ko ang bawat pahina, ng masiguro ko na kumpleto na at lahat ay may lagda, nakangisi ako na lumapit sa lalaki sabay kandong ng upo sa kanya. “Marriage Certificate nga ito love, naniniguro lang ako. Ayaw ko maiwan sa ere, at least from now on Mrs. Hendrix Dimagiba na ako hahahahaha.” Tawa ko ng malakas na tinitigan lang naman ako ng imposible ng lalaki. Malaki ang ngiti ko na hinalikan sa pisngi si Hend

