Pagkatapos ko maligo ay naupo ako sa sofa na kawayan. Sinilip ko si Lhai na natutulog na pala ang babae sa loob. Siguro sa pagod. Iba talaga ang kutob ko sa isang ‘to pero paano ko mahahanap si Loraine kung ito lang ang nakikita ko na paraan, ang mapalapit sa babaeng to?. Gusto ko malaman kung ano ang kalagayan ng babae na una kong minahal. Kapag nakita ko na maayos na, ipagpapatuloy ko na ang paglimot sa kanya. Pero kapag nakita ko na hindi, hahabulin ko s'ya hanggang sumuko siya sa akin. “Ayos tol ah?, mataas na ang standards mo ngayon. Mga doktor na ang tipo mo. Hahah dati kahit sino lang ang matapat basta maganda. Ngayon level up na! Iba din talaga kapag gwapo na at may lahing kabayo pa.” Hindi ako umimik sa aking kaibigan na kanina lang ay mapaglaro ang mukha. Ngayon ay seryoso na

