Umagang umaga ay may kumakatok sa pintuan ng aking bahay. Nagpupungas pa ako na tumayo dahil napagod ako kahapon sa aking paghuhukay. Nanibago siguro ang katawan ko sa mabigat na gawain. “Teka lang!” Sigaw ko habang nagsusuot ng boxer shorts, si Diane at Pauline lang naman ang madalas dito pumunta ano pa ba ang itatago ko sa dalawang ‘yon?. Mabilis akong bumaba at tinungo ang pinto sa baba pagbukas ko ay si doktora Lhai pala. “Dok, ang aga mo manligaw sa akin May lahing intsik ka ba?.” Pagbibiro ko sa babae na tinawanan lang nito. Ginaya ko ang doktora papasok ng bahay at pinaupo. “Ano po sadya mo dok?, ang aga naman.” “Bakit, nakakaabala ba ako?, May gagawin ka ba?.” “Wala naman po.* “Wala, napadaan lang ako dahil May pasyente ako sa malapit.” Pag dadahilan ng babae na mukhang

