“Love, kamusta pakiramdam mo?” Nag-aala na tanong ko kay Loraine, hindi naman ito umimik at ngumiti lang sabay iling. Mabilis na kumuha ako ng tubig at nilagyan muna ng unan ang kanyang bandang likod para medyo mapaupo ang kanyang pwesto bago uminom. “Uwi na tayo Ex, ang dalawa natin na anak nag-aalala ako.” Tumango ako at ngumiti. Natutuwa ako na anak na din ang turing niya kay Cassandra, hindi naman kasi mahirap mahalin ang alaga ko. “Sigurado ka love?, Okay ka lang ba?.” Tumango ang asawa ko at ngumiti, lalabas na sana ako ng biglang magsalita ito. “Ex, kausapin mo si Isagani, alamin mo kung ano ang nangyari. Kahit ako nagulat din sa aking nakita, pero si Isagani yun. Matalik na kaibigan mo, baka may dahilan siya na hindi masabi.” Sabi ng asawa ko habang nakangiti, pero mapa

