Nanginginig na ako sa sobrang lamig, kanina pa ako dito at tumataas na din ang tubig. Sa hula ko ay nasa taas na si Isagani. "Araaaaay! Putang*na!" Mura ko ng may malaking bato na tumama sa aking isang binti at naipit pa ito. Kapag minamalas ka nga naman. Hindi naman yumanig pero may nalaglag pa. Pilit ako na tumatayo ng tuwid pero hindi ko kaya, mukhang naugatan ako. Kaya sumandal ako sa lupa at napapikit. Naramdaman ko na humihikit na ang lubid na nakatali sa akin. Kasabay ng pag higit ng tali na nasa aking katawan ay ang paghila sa akin pataas. Nakahinga ako ng malalim dahil mukhang maliligtas na ako. Nasa leeg ko na ang tubig ngayon mabilis na pagtaas dahil sa lakas ng ulan at kasabay naman nito ay ang malakas na buhos ng ulan na may kasama pang pag kidlat. Pataas na ako mula sa ila

