Part 1: Love At First Sight
Claire's POV:
Bagong dating ako dito sa probinsya namin kay tagal na din na hindi ako nakauwi. Dito ako ipinanganak, marami din akong naging kalaro dito mula ng bata pa ako. Ilang taon ng nakalipas dalaga na rin ako bago nakabalik dito. Sana makilala pa ako ng mga nakalaro ko noon.
Fiesta dito samin bukas kaya ako nagbakasyon maraming tao pag fiesta may mga parlor games palarong pambata at pang matanda, hindi rin mawawala yung liga (basketball).
"Uyy claire! nakauwi kana pala! (nakita ako ni timothy habang naglalakad papuntang tindahan inutusan kasi ako ni mama) Buti nagbakasyon ka kay tagal na rin na hindi tayo nagkita mosmos pa lamang tayo nung last meet natin (sabay tawa)" sabi ni Timothy isa sa mga kalaro ko dati dito sa probinsya.
Tinawag ni Timothy yung mga nakalaro namin dati at ang saya nila nang makita ako.
"Sya nga pala Claire, may liga mamaya manonood kaba? sabay tayong manood ha" sabi ng mga kaibigan ko. Hindi na rin ako nakapagsalita dahil kinuyog na nila ako dahil nag inuman pala ang mga ito bumili din sila ng alak at chicherya pampulutan nabitin daw sila sa alak.
(Habang nasa inuman)
Claire's POV: Pano ako uuwi nito dala ko pa yung patis na pinabili ni mama!
"Guys, iuwi ko muna toh balik din ako kaagad. "Mamaya ka na umuwi kasi hindi ka na babalik" sabi ni jen isa kong tropa. "Mamaya ka na umuwi, uuwi ka na e kakarating ko lang" sabi ng isang lalaking matipuno, matangkad at may makinis na mukha .
Siya nga pala si Sebastian, ang first bite ko ay este first love. Hindi makakaila na marami ring nagkakagusto kay Sebastian, pogi kasi ito at joker (funny), at higit sa lahat mabait at friendly, tropa nya ay tropa ko din.
"uyy claire shots mo na!" biglang bumalik sa senaryo ang aking pagiisip ng tawagin nila ang pangalan ko dahil nasa tapat ko na pala ang baso na may inuming alak.
"Daydreaming ha? pang asar ni Sebastian while nag smirked lang ito. Tumaray lang ako at ininum ko na ang inuming alak sabay lapag ng baso sa table.
Claire's POV:
Ilang oras na pala kami nagiinuman naabutan na ng gabi. Habang kumakanta at nagtatawanan ang aking mga kaibigan ay bigla kong pinutol ang kanilang kasiyahan "Guys, gabi na akala ko ba manonood tayo ng liga?" "Bukas pa daw ang liga kasi kinansel ni kapitan" sagot naman ni Andrew tropa ko rin. "Mag enjoy ka muna minsan ka lang magbakasyon e" sabi ng aking mga tropa.
Wala akong magawa kundi umupo na lang sa gilid medyo may tama na rin ako sa alak yung mga tropa ko parang hindi man lang tinamaan. While watching them singing karaoke bigla kong nakita si Sebastian na laging sumusulyap saakin. Hindi naman ako assumera kaya hindi ko na lang binigyan ng meaning.
Nung medyo malapit na maubos ang alak ay bigla na akong nagpaalam sa aking mga tropa may mga tama na rin sila sa alak kaya hindi na nila namalayan na pauwi na ako.